TULA #7: Messenger

685 8 0
                                    

Patawad kung nagsimula tayo sa ganitong paraan.
Yung sa messenger ikaw ang inaabangan.
Ngunit iyo sanang maintindihan
dahil ang puso'y ngayon lang muli nasiyahan.

Malungkot ang buhay kapag hindi ka kausap.
Dahil nasanay ang sariling ikaw ang hinahanap.
Kaya giliw wag kang magugulat.
Kung aking sasabihing ikaw ang pangarap.

Oo, cellphone lang ang laging tangan.
dahil ito lang ang paraan ng ating kumustahan.
Ngunit sa dalangin ay inaasam
na iyong kamay naman ang mahawakan.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon