TATAY

202 4 0
                                    

Tahan na anak, dito ka kay  tatay.
Kakargahin kita gaya ng ginagawa ng isang nanay.
Kung inaantok ay kakantahan ka.
Sa aking kanlungan ay matulog ka na.

Halika,pakinggan itong mga kwento.
Iyo sanang kagiliwan hanggang paglaki mo.
Humilig ka rito sa may dibdib ko.
Iyong damhin ang init ng pagmamahal ko.

Sa iyong murang isip, aking imumulat.
Mga tamang asal na nararapat.
Sa Diyos manalangin at magpasalamat.

Mahal ko,wala man ang iyong ina.
Kanyang kalinga ay aking ipadarama.
'Wag lang matigas ang ulo upang ipagpala.

Halika anak, hawakan itong lapis.
Tuturuan kitang sumulat at gumuhit.
Habang ikaw ay bata pang paslit.
Sa magandang asal,bubuksan iyong isip.

Natitirang lakas, sa iyo ilalaan.
Habang lumalaki, ikaw ay gagabayan.
Hanggat kaya pa , hindi kita susukuan.
Upang lahat ng layunin ay iyong makamtan.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon