ANG PAG-IBIG

286 5 0
                                    

Tumitibok itong puso, napupuspos ng pagmamahal.
Sumusumpa, nangangako ng pag-ibig na magtatagal.
Tapat ang adhikain, iharap sa altar.
Upang ang pagsasama ay pagpalain ng Maykapal.


Ang tunay na pagmamahal, mapagbigay at mapagtiis.
Respeto at galang sa kabiyak ay di maaalis.
Bukas ang pang unawa sa mali at pagkukulang.
Sa bawat pagsubok magkatulong,magkatuwang.


Ang tunay na pag-ibig hindi sakim hindi madamot.
Lumipas man ang panahon ay hindi lumilimot.

May tiwala sa kabiyak at sa Diyos ay may takot.
Nang kasinungalingan ay hindi maidulot.


Wagas ang pagmamahal,hindi mapaghanap.
Nang dahil sa pag-ibig ay handang gawin ang lahat.
Nagtitiis, nagtitiyaga kahit gaano man kahirap.

Para sa minamahal ay handang magsumikap.

Nang dahil sa pag-ibig,pagkatao'y nabubuo.
Bumubuti ang masama, nag iiba ang anyo.
Maninindigan sa pag-ibig buksan lamang itong puso.
Pagsasama ay tatagal,ligaya ay matatamo

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon