PANINIWALA

148 6 0
                                    

Sa ating paglaki nilinang ang ating puso't isipan.
Tayo ay mayroong dalawang gawaing pagpipilian.
Gawaing daan ng Diyos na gawang kabutihan.
At gawaing karima-rimarim na gawang kasamaan.

Bilang intelektwal ay atin sanang maisip.
Ang tamang landasin mula sa dalawang panig.
Wag tahakin ang kasamaang salot sa daigdig.
At masayang maglingkod sa Diyos na ating kapanalig.

Ngunit dapat nating mahanap ang tunay na relihiyon.
Mag-iingat sa kung sino ang dapat tawaging 'Panginoon'.
'Wag papalinlang sa mga huwad na organisasyon.
Suriing mabuti ang paglilingkuran ng maraming taon.


Ang gawaing masama ay madali lamang.
Kayang gawin ng kahit na sinuman.
Kadalasan ito' y hindi napag iisipan.
Kaya sa bandang huli itoy madalas pagsisihan.

Ngunit ang gawaing mabuti ay hindi madali.
Kailangan mo ng pang unawa at malinis na budhi.
Nakagagawa nito'y ilan lamang at kakaunti.
Ngunit asahan mong gawang ito'y maraming sukli.

Kaya't ating pag isipan ang landas na dadaanan.
Upang hindi ito mauwi sa walang pakinabang.
Dahil may gantimpala ang bawat gawa, masama man o kabutihan.
Piliin ang Diyos na ang pangako'y buhay na walang hanggan

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon