TULA #13

503 6 0
                                    


Sa kabila ng mga sulat na nagawa.
Ako ay napaisip na lang bigla.
Ako ba'y naiisip mo din kaya?
O naaalala lamang kapag walang magawa.

Pasensya na kung ako'y naghahangad
ng mga pangarap na tila mahirap matupad.
Ngunit sabi nila kapag ikaw ay nagdadasal
basta taos puso'y Kanyang ibibigay.

Kung magkagayon, ang hihilingin ko ay ikaw.
Ibibigay ka ba Niya sakin balang araw?
Hindi bale nang maghintay ng matagal.
kung kapalit naman nito'y iyong pagmamahal.

Tama! iyon ang aking gagawin.
Ang walang sawang ikaw ang hihilingin.
Pangambang ito'y Kanya sanang hawiin.
At sabihing ikaw ay para sa akin.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon