TULA #28

226 3 0
                                    

Nais mapakinggan ang iyong tinig.
Ngunit sa tuwing tatangkain ay nanginginig.
Ako'y kinakabahan sa tuwing susubukan.
Kung ano ang dahilan ay hindi ko alam.

Marahil ay sa pag aalangan
na baka hindi mo magustuhan.
Ngunit paano tayo magkakakilalanan
kung ang loob ay hindi lalakasan.

Usapang pagpapakilala
Sa una ay nakakakaba.
Pero sa paglabas ng unang salita
sana ay tuloy tuloy na.

Nais pa kitang kilalanin.
Sana ay ganun ka din sa akin.
At sana ay may magandang timing.
Na ang isa't isa ay makita natin.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon