TULA#97

27 2 0
                                    

Pipiliin kita kahit sa mga araw na hindi tayo magkasundo. Aking mamahalin sa mga araw na hindi ka buo. Nandito lang ako para sa'yo, aalalayan ka sa pagtayo. Maging salungat man sa atin itong mundo, hindi ako lilisan sa tabi mo. Lagi kong aalalahanin ang una nating pagtatagpo.Asahan mong ako'y laging sa iyo.

Ikaw ang siyang nagbibigay buhay sa mga paborito kong awitin. Ikaw ang laging laman ng isip sa bawat pagtulog at paggising. Ikaw ang siyang laging laman ng bawat panalagin. Ikaw ang laging hinihiling sa mga bituin.

Lagi mong tatandaan na kahit anuman ang dumating...

Ikaw at ikaw pa rin ang aking pipilii't pipiliin

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon