MAHAL KITA

208 4 0
                                    

Sinasakop mo ang aking isipan.
Sinusuyod ang lahat ng kasuluk-sulokan.
Ngiti,boses at halina mo ay hindi malimutan.
Ganito nga ba ang dulot sa isang nananambitan?

Aalagaan kita,iingatan at 'di paiiyakin.
Mga salitang gasgas mula sa mga bibig na sinungaling.
Ngunit sana ako ay iyong ibahin,
mga salitang ito'y di babanggitin.
Sa kilos ko na lamang ipaparating.

Maraming salita ang matamis at masarap mapakinggan.
Ngunit batid kong ito ay mahirap paniwalaan.
Kaya sigaw ng puso'y ipararamdam na lamang.
Pangakong napapako ay pipiliting iwasan.

Sa kilos ay ipararating na mahal kita.
Pipiliting umiwas sa malalambing na salita.
Dahil ang pusong utal sa pagsinta.
Tapat at tunay sa bawat gawa.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon