TULA #83

51 2 0
                                    

Tag-ulan na. Ramdam ko na ang lamig.
Hindi lang ng panahon kundi pati na rin ng iyong titig.
Hindi na madama ang lambing sa iyong tinig.
Wala na rin ang  init na nagmumula sa iyong himig.
Maraming salita ang nais sabihin nitong bibig.
Salitang matagal nang naninirahan dito sa dibdib.
'Mahal kita' sigaw nito, sana ay iyong marinig.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon