PLUMA

135 3 0
                                    

Heto na naman ako't susulat ng pagsinta, sasaliw sa indayog na ikaw ang siyang musika.
Muling hihimig ng awiting dulot ng 'yong halina, lahat ilalahad sa bawat guhit nitong tinta.
Dala ang damdamin nitong bawat talata, sa kung pa'nong ako' y nahulog sa'yong mga mata.
Dahil sila'y kaakit-akit tulad ng mga tala, nagpapakalma ng isipa't kaluluwa.



Sana'y malaman mong ikaw ay iniibig. Hindi mapigil ang sigaw nitong aking dibdib.
Bawat oras at araw ay hanap ang 'yong tinig, nangangarap na balang araw sabay tayong hihimig.
Ng mga awiting puso natin ang bumuo ng ritmo at pantig.
Mga liriko at pyesa na sa atin lang maririnig, walang sawang bibigkasin nitong aking bibig.



Iyo sanang pakinggan at iyong matanggap, ang pagsusumamo nitong aking mga yakap.
Ang pag-ibig na nais iparating sa pamamagitan ng mga pangungusap.
Masasayang araw ang siya sanang makuha at makalap.
At masabi sa mundong, tayo ang dalawang taong pinagtagpo at pinagtapat.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon