TABI TAYO

124 5 0
                                    

Binibini kong antukin.
Pagpikit ng mata'y di kayang pigilin.
Ngunit ayos lang basta ikaw ay mahimbing.
At sa iyong panaginip tayo'y magkapiling.

Ipaghehele kita, sa dibdib ko'y lumihig ka.
Dinggin ang pintig ng pusong sumisinta.
Sumabay sa ritmo at saliw ng musika.
Kung saan Pangalan mo ang lirikong tinutugtog ng orkestra.

Sana'y manatili tayong ganito.
Na mahal kita at mahal mo ay ako.
Ngunit kung panaginip lang lahat ng ito.
Nais kong matulog sa tabi mo.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon