Bitaw Na

41 4 0
                                    

Bitaw na,
lalo na kapag alam mong ikaw na lang ang nakahawak.

Bitaw na,
kapag nalaman mong ang hinahawakan mo'y nauna nang bumitaw.

Bitaw na,
sa mga napakong pangako. Sa mga naiwang mga pangarap.

Bitaw na,
sa mga alaala ng nakaraan. Lalo na kapag hindi ito pinahalagahan.

Bitaw na,
sa kamay na hindi ka kayang hawakan. Sa kamay na maraming beses ka nang binitawan.

Bitaw na,
sa taong hindi ka kayang ingatan. Sa taong maraming beses ka nang pinakawalan.

Bitaw na,
sa mga matang hindi ka kayang titigan. Matang hindi maibigay ang atensyon na iyong kailangan.


Bitaw na,
sa ating malalim na pagtingin. Pagtingin sa taong 'di tayo kayang sagipin. Sagipin mula sa pagkalunod ng ating damdamin.


Bitaw na,
sa pagsintang umaalab sa puso. Pusong puno ng pagsusumamo.

Bitaw na,
sa mga alaala ng mga yakap. Ang dating init ay nagbago at lumamig ang sangkap. Dala ay kirot ng nabigong mga pangarap.




Bitaw na,
kapag pinaramdam na hindi ka mahalaga.




Bitaw na........











Bitaw na.




ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon