MATA

173 6 0
                                    


Kayganda ng iyong mga ngiti, pero malungkot ang iyong mga mata.
Pilitin mang itago ay hindi maikubli ang sakit na nadarama.
Mga hinagpis at hinaing na dulot ng problemang sapin sapin.
Pilit mang hanapin,aliw ay mahirap hagilapin

Ikaw ay di pababayaan ng Diyos na Maykapal.
Tumawag ka lang sa kanya,iyan ay di magtatagal.
Sa lilim ng Kanyang pagmamahal, pag ibig niya ang tatanggal.
Hindi pagsasawalang bahala ang iyong pagpapagal.

Kaya tahan na. Pan gitiin nang muli ang maningning mong mga mata.
Magtiwalang ang bukas ay sasapit na may liwanag na dala.
Wag  mag aalala,
Sa mata ng Diyos ikaw ay mahalaga.
Ngiti moy kayganda ganundin ang iyong mga mata.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon