MUNDO

86 5 0
                                    

Ikinuwento kita sa buwan.
Sinabi kong lahat ang idinudulot mong kaligayahan.
At siya ay labis na natuwa  sa mga ngiting kaniyang nasilayan.
Sumubaybay, nakinig at nakiramay sa mga salitang binitawan.

Ibunulong ko sa mga tala ang aking pag-ibig.
Ikaw lang ang siyang mamahalin sa buong daigdig.
Ngumiti ang mga ito at taos-pusong nakinig.
At tila buong magdamag kumislap nang dahil sa kilig.

Isinigaw ko ang iyong pangalan sa buong kalawakan.
Sinabi kong ang puso'y ikaw ang siyang nilalaman.
Bumaling  siya sa akin at ako'y tinitigan.
At nagbunyi ang lahat sa ilalim ng sanlibutan.

Iginuhit kita sa bawat bulalakaw.
Upang sa gayon, ikaw ay laging matanaw.
Ginawa kong mas maningas ang iyong tanglaw.
At pinaalala sa kanila na ang hanap ay laging ikaw.


Isiniwalat sa kanila ang lahat ng detalye.
Sa kung paano mo muling binuo ang aking kontinente.
Iyong pinulot at dinikit ang bawat durog na parte.
Pinawi ang lumbay na dulot ng pagkasawi.

At sa mga planeta ay nagsumbong ako.
Kesyo ang mga kontinente ay magkakahiwalay, ganoon din daw tayo.
Ngunit hindi nila naintindihan ang aking konsepto, na hindi ka kontinente bagkus ikaw ang mundo ko.
At hangga't may kalawakan ay patuloy kang iikot sa araw ko.


Ang mga  ito ay aking nabanggit.
Sa lahat ng bagay sa ilalim ng langit.
Tanging hiling na sana ang pag-ibig mo'y aking makamit.
At sa bawat araw ng habambuhay sa harap mo ay masambit.

Hindi matanto kung totoo ang teorya sa pinagmulan ng mundo.
Nang kalawakan daw ay nagsalpukan ang dalawang malalaking bato.
Ngunit iisa ang tunay at sigurado ako .
Na nabuo ang mundo ko simula nang tamaan ako sa'yo.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon