ALAM MO BA?

206 5 0
                                    

Alam mo ba?
Napapangiti ako kapag kausap ka.
Alam mo ba?
Gumaganda ang araw ko sa tuwing may ningning sa iyong mata.
Alam mo ba?
Mga larawan mo tinititigan ay hindi nakakasawa.
Alam mo ba?
Ninanais kitang mahawakan at makasama.
Alam mo ba?
Pinapangarap kita gaya ng isang bituin na aking nakikita.


Alam mo ba?
Hindi. Hindi mo alam.
Dahil ni minsan ay hindi mo ibinaling ang iyong mga mata sa akin.
Dahil batid kong sa puso mo ayay ibang umaangkin.
Dahil hindi ako ang bituin na sa iyo'y nagniningning.
Bituin ako sa na iyo'y nahulog at hindi mo kayang saluhin.
Alam mo ba?
Hindi mo alam.
At batid kong wala kang balak malaman.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon