PANATANG MAKABAYAN

66 4 0
                                    


Tindig ay tuwid at ikaw ay minataan.
Sa pila ako'y nasa huli, ikaw nama'y harapan.
Sa tapat ng watawat itataas ang kamay na kanan.
Manunumpa sa watawat nitong ating katapatan.

Laging pumapasok araw-araw sa eskwelahan.
Ganitong eksena lagi ang siyang dinaratnan.
Sa watawat nakatingin ngunit atensyo'y sa'yo laan.
Tila ibang panunumpa ang aking natutunan.

Malakas ang sambit sa bawat linyahan.
Ngunit sigaw ng puso'y iyong pangalan.
Maging malakas at masipag akin sanang matutunan.
At paglingkuran ka'y aking karangalan.

Iibigin kita nang tunay at tapat.
Sa pag-aaral nang mabuti ay magsusumikap.
Iaalay ang aking buhay makamit lang ang 'oo' na aking pangarap.
At sa aking bisig ikulong ka sa aking yakap.



Hindi mapigil ang kaba kapag ikaw ay nariyan.
Nangangatog ang tuhod sa tuwing iyong tinititigan.
Hinihiling na 'wag magalit itong Panatang Makabayan'.
Kung mas iniibig kita kesa sa ating bayan.




ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon