TULA #33

200 6 0
                                    

Pinagmamasdan ang iyong ganda.
At iniisip kung maaabot kaya?
Gayong parang dagat ako at langit ka.
Ang magkalapit tayo ay posible kaya?

Sana ang iyong sagot ay "oo"
dahil sa bawat pag -ulan ng luha mo.
Ako ang dagat na handang sumalo.
At iipunin ko ito sa dagat ng pagkatuto.


Akin pa ring pinaniniwalaan.
Na ang maabot ka ay may katuparan.
Dahil kung pupunta ka sa dalampasigan.
At itingin ang mata sa kalayuan.
Ang dagat at langit ay magkapiling lamang.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon