AKO AT ANG BUWAN

209 6 0
                                    

Isang gabing napahiga sa damuhan.
Walang ibang naririnig kundi ang katahimikan.
Walang ano ano'y naramdaman ko nang dahan dahan.
Ang pag bisita sa akin nitong kalungkutan...

Sa aking paghiga ay aking namasdan.
Isang hugis bilog sa taas ng kalangitan.
Sa aking pag titig, nabuo ang kaisipan.
Saka nagsabi ng ilang katanungan..

Ano ang iyong pangalan, pwede ko bang malaman?
Maaari mo bang sabihin kung gaano ka na katagal riyan.?
Hindi ka ba nagsasawa sa iyong kinalalagyan?
Gayong ikaw ay nag iisa at hindi napansin ninuman...

Nakinig ito at binigay ang kanyang kasagutan.
"Ang pangalan ko ay Buwan. Narito ako upang magbigay liwanag sa gitna ng kadiliman".
"Ako ay umusbong simula pa lamang. Noong anyuan ang Maykapal ang sanlibutan".
"Masaya ako sa aking ginagampanan kaya't hindi ako nagsasawa sa king kinalalagyan."
"Ako'y nag iisa? Nagkakamali ka 'riyan.
Sapagkat may mga bituin akong mga kaibigan...
Sila ang aking kasama at mga sandalan.."

Sa kanyang mga bulalas, ako' y namangha.
Hindi napigilan ang paglabas ng mga salita.
Kaya sa muling talastas ay
nagbitiw muli ng kataga.
Upang muling marinig sagot na matalinghaga.

" Mapalad ka at iyong alam layunin mo at ginagampanan.
Hindi tulad kong nababalisa sa kung ano ang mangyayare kinabukasan."
"wag kang mabahala sa mga bagay na iyan. Magdasal ka at ipaubaya sa Maykapal iyong nararamdaman."

"Pakiramdam kong ako'y mag isa at walang pakinabang"
"wag mong isipin iyan.. Ikaw ay kayamanan para sa Isa na siyang Maylalang."
"Ikaw, alam mo ba ang aking layunin at gagampanan?."
Aking tanong na tila kanyang pinag isipan...

"Ikaw ay nilikha ng Dakilang Maykapal.
Hinulma sa kanyang wangis at pinuspos ng pagmamahal.
Hindi ka ilalagay sa sitwasyong hindi ka tatagal.
Kung nahihirapa'y samahan mo lang ng dasal".

"Hindi ka nag iisa.Narito ako, ang Buwan, upang ikaw ay damayan.
Magbibigay liwanag sa iyong kadiliman.
Matakpan man ng ulap ng kapighatian.
Asahan mong ikaw ay hindi ko iiwan."

"Lumingon ka lamang sa iyong mga kaibigan.
Sila ang mga bituin na iyong malalapitan.
Sa agos ng buhay ay iyong makakapitan.
Higit sa lahat, Diyos ay iyong lapitan.

" Ako ay mayroong suliranin din naman.
Kung minsa'y hindi ganap ang aking kabilugan.
Minsan kalahati, minsa'y pangkapat lang.
Kung minsan ang ulap pa ako'y tinatakpan.

" Ngunit hindi ako nawawalan ng pag asa.
Tulad ko sa Diyos ay lumapit ka.
Humiling at tiyak palalakasin ka.
Dahil di ka niya hahayaang mag isa."

Sa aming pag uusap ako ay natauhan.
Hindi nakabubuti kung ako'y mag mumukmok lamang.
Kaya' t bilang pang huli ay aking binitawan.
Aking pangwakas na katanungan.

" paano ko malalabanan ang aking kalungkutan kung gayon? "
Ngumiti ito  ng marahan at sa akin ay tumugon.
Ikaw ay maging isang buwan tulad ko ngayon.
Sa iba'y magbigay liwanag at direksyon.
Gamutin ang sugat na iniwan ng kahapon.
Higit sa lahat. Wag mong kalimutan ang napag usapan natin ngayon.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon