Unan

54 3 0
                                    

Ikaw ang siyang nagsilbing kaibigan
sa mga gabing hindi ko makayanan.
Sa mga problema'y aking napagsasabihan.
Walang sawang nakikiramay at ako'y pinakikinggan.



Maraming salamat sa mga oras na iyong inilaan.
Sa mga oras na ikaw ang siyang kailangan.
Walang pasubali, agad ika'y nariyan.
Handang umunawa at ako'y tulungan.



Ngayong gabi ako'y naritong muli sa iyong harapan.
Magsusumbong sa maghapong aking pinagdaanan.
Mga kwento'y wag sanang pagsawahan.
Kahit pa ito'y paulit-ulit na lamang.


***

Mahal, kung nagkataong tayo'y maglandas sa dating tagpuan.
At iyong tanungin kung saan ka nagkulang?
Hihiling na lamang ako ng mga bagong unan.


Dahil kung aakalain mong sila ay naulanan,
Nagkakamali ka, dahil lahat sila ay akin nang naiyakan.
Naglalaman ng mga kwento nating dalawa.
Mga kwentong nag-iwan ng sugat sa kanila.

Patawad kung ayaw ko nang maranasan.
Ang muling matulog sa mga basang unan.
At malunod sa mga alaala ng mga luhang aking nang pinakawalan.
Mahal kita ngunit patawad,





Hindi ko na makayanan.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon