TULA #87

26 4 0
                                    

Ikaw pa rin ang paborito kong tula.
Ang mga titig mo ang magsisilbing mga salita.

Ang mga tuludtod nito ay ang iyong mga yakap.
Ang tugma at sukat ay ang natagpuan kong lingap.

Ikaw ang paborito kong tula.
Pagkatao mo ang bumuo nitong diwa.
Iyong mga tayutay ang nagpapaganda nitong saknong.
Sa piling mo'y walang alinglangan, walang tanong.

Ikaw ang paborito kong tula.
Ang kagandahang nakamtan nitong may-akda.
Habambuhay kang dito'y nakatala.
Sa kwaderno ng pusong sayo'y humahanga.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon