Tula #89

26 2 0
                                    

Sinungaling ako.

Sinungaling ako nang sabihin kong hindi kita mahal.

Ngunit nagbago ang lahat sa ilalim ng kalawakan. Nahulog ang mga bulalakaw. Nag-iba ang ihip ng hangin at sumibol ang pagmamahal.

Nagsalikop ang ating mga kamay;
sinasabayan ang paboritong awit.
Naging kapwa parte ng isang kwento,
isang istoryang ubod ng rikit.
Tulad ng pambansang himno;
himig ay lubos na kaakit-akit.
At gaya ng paborito mong libro;
may pag-ibig sa bawat titik.

At kung gaano kita kagustong hawaka'y gano'n din ang langit.
Ngunit hindi rin nagtagal, ikaw ang bumitaw gaano man ito kahigpit.
At dito sa puso ko'y nag-iwan ng matinding sakit.
Dahil batid mong wala sa'yong hihigit.

Kaya ngayon,
hayaan mo akong muling magsinungaling...

"Hindi na kita mahal."

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon