TULA #8: Aklat

586 10 0
                                    


Malalim na ang gabi at ako'y puyat.
ngunit ninais ang kamay ang sumulat.
Sumulat ng mga salitang bubuo ng isang aklat.
Aklat na ikaw ang tema at pamagat.

Bagamat hindi pa nakikita ay aking nararamdaman.
Na ikaw ay nilalang na may taglay na kabaitan.
Alam kong masungit kung minsan
pero busilak sa kaibuturan.

Pagpasensyahan mo na aking sinta,
kung ang tulad ko ay nahalina.
Sa lahat ng oras at mag-ingat ka sana.
Yan ang tanging hiling kapag hindi tayo magkasama.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon