TULA #23 McDo

251 5 0
                                    

Pinipilahan ng karamihan
Kahit na "willing to wait" kung minsan.
Gayunman ay ayos lang
Kapalit naman nito'y kasiyahan.


Sa dami ng mapagpipilian
ay malilito kung ano ang magugustuhan.
Ngunit ano pa man
ay siguradong panalo naman.


Ngunit kung sakaling ikaw si Mcdo.
Ay matiyagang pipila ako.
Kahit na "willing to wait " ang status mo.
Matagal man ay maghihintay ako.

At kung ikaw ang nasa menu.
Hindi magsasawang ikaw ang pipiliin ko.
Dahil ikaw ang aking paborito.
At araw o gabi ay sasabihin ko "love ko to"

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon