TULA #22

378 4 0
                                    

Namimiss kita pagsapit ng gabi.
Aking naaalala ang mga sandali
noong ikaw pa ay nasa tabi.
Hindi ko magawa ang humanap ng iba.
Dahil pakiramdam ko ay nariyan ka pa.


Aking tinatanong sa Diyos na lumalang.
Bakit di pa binigay buhay na walang hanggan?
Ikaw ang tangi kong kaligayahan.
At sa buhay ko'y nagbibigay ng kasiyahan.

Aking tinitiis ang sakit na nararamdaman.
Dahil ang tulad mo'y kayhirap kalimutan.
Kung mapagbibigyan lamang ako na humiling.
Hihilingin na bumalik ka sa aking piling.

At kung maririnig mo lamang ako sinta ko.
Ikaw pa rin ang nasa puso at asahan mong ito ay totoo.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon