TAG ULAN

162 3 0
                                    

Ako'y magsisilbing tag-ulan pagkatapos ng tag-araw.
Sa masayang tunog nito sa bubungan, ika'y mapapasayaw.
Sa labis na kasiyahan ay nanaisin mong sa labas magtampisaw.
Halata sa bawat ngiti mong nangingibabaw.

Ngunit habang tumatagal ikaw ay nalalamigan.
Pinipili mong magkulong sa pag iisa upang akoy iwasan.
Kaytagal mong hinintay sa pagdating ngunit sasayangin lamang.
Gayong ang puso mong tuyot sa pagmamahal ay handang diligan.

Sumibol ang pag ibig noong  salubungin mo ako.
Ngunit di naglao'y kinumutan ang nilalamig mong puso.
Gumamit ka ng payong upang tayo'y di magtagpo.
Nanlamig ka sa akin at damdamin ay itinago.

Naghanap ka ng init sa iba habang ako ay nariyan.
Mahigpit na yakap sa iyong mahal na 'Unan'
Hindi mo na ako pinansin at tuluyang kinalimutan.
Nang dahil sa bago mong kinagigiliwan.

Ako ang siyang magsisilbing tag ulan.
Kahit pa alam kong sa una mo lang ako magugustuhan.
Ulan na minsan mong kinailangan.
Ulan na minsa'y nagdulot sayo ng kasiyahan.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon