TULA #15

407 9 0
                                    


Tinititigan iyong mga larawan.
at iniisip kailan kita mahahawakan.
Nananalangin sa Maylalang
pagbigyan sana ako ng kapalaran.



Kapalarang ikaw ay makita ko ng malapitan.
at iyong mga mata ay matitigan.
Nang sa gayon ay iyong malaman.
na alay ay isang tunay na samahan.

Maaaring isipin mong ito'y salita lamang.
ngunit oras at puyat ang pinuhunan
Upang balangkasin nang may kagandahan.
Para sa isa na kapita-pitagan.

Ano't ano pa man,
sana ay wag iwasan.
Dahil ikamamatay niya tuluyan
kapag muling tinalikuran.

ISANG DAANG TULA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon