Chapter 33

3 0 0
                                    


Matatapos na bukas ang internship namin dito sa ospital. Mamimiss ko ang pumasok dito. Hayyy.


Pinitik na naman bigla ni Dylan ang noo ko, sinamaan ko nalang sya ng tingin.


"Last day mo na bukas? Magpapaparty tayo!" sabi nya bigla. Nasa bahay nya kami. Kaming dalawa lang ang nandito. Balik na sa dati ang lahat, kinalimutan ko nalang yung nangyari samin nung birthday ni Audrey baka yun pa ang maging dahilan ng pagkasira ng friendship namin eh.


"Ang saya mo ah?"


"Hindi naman. Syempre dapat magcelebrate ka noh kasi natapos mo na yung internship mo, graduation at board exam nalang ang kulang magiging doctor ka na officially."


"Sa bagay. Pero di ba may bagong interns at doctor din na papalit bukas?"


"Wala akong pakealam sa kanila."



"Tch. Suplado ka talaga kahit kelan. Malay mo di ba? Baka andun na sa kanila yung babaeng para sayo." Tumawa ako at binato sya ng popcorn. Nanonood na naman kasi kami ng movie ngayon. Pinilit nya ako kanina na samahan syang panoorin tong movie na toh. Magrereview dapat sana ako ngayon eh kaya lang naunsiyame dahil kay Dylan.



"Tch. Wala pa rin akong pakealam. Wala sa kanila yung babaeng para sakin."



"Hanep! Naramdaman mo agad? di mo pa nga sila nakikita eh."


"Basta alam ko."


Tumunog naman bigla ang phone ni Dylan kaya sinagot nya yun. Niloudspeaker nya yun para marinig ko rin, madalas nyang gawin toh sa tuwing magkasama kami at may tumawag sa kanya.



"Hello mom? Napatawag kayo?"


"Si Audrey dinala namin sa ospital. Nahimatay nalang kasi sya bigla pagkatapos kumain eh. Maayos na naman sya ngayon, nagpapahinga na. Gusto ko lang ipaalam sayo anak. Makakalabas na siguro kami dito bukas." nagkatinginan naman kami ni Dylan. Bakas sa boses ng mommy nila ang pag-aalala.



"Okay mom, ikamusta nyo nalang kami kay Audrey. Andito si Khaly kasama ko." sinenyasan ako ni Dylan na magsalita.



"Ah. Hello Tita, si Khaly toh."



"Sya sige. Sasabihan ko si Audrey. Asan nga pala kayo ngayon?"



"Nasa bahay mom."



"Kayong dalawa lang?"



"Yes mom." walang ganang sabi ni Dylan.



"Talaga? Mabuti yan." narinig ko yung tawa ni Tita sa kabilang linya.



"Sige na mom. Ibababa ko na, alagaan nyo si Audrey jan ah?"



"Oo naman. Siya sige mga anak. Bye." sabi ni Tita at inend na yung call.



"Mabuti naman at ayos lang si Audrey, kinabahan ako kanina." sabi ko.



"Malakas na bata yun. Gagaling agad sya, baka napagod lang yun sa school." sabi ni Dylan. Tumango nalang ako at sumubo ng popcorn.



"Gusto yata ni Mommy tawagin mo na rin syang mommy eh. Anak ka na pala nya eh. So ibig sabihin magkapatid tayo?" natawa si Dylan dahil sa sinabi nya.



"Sira ka talaga."



***



Nagpadespidida at welcome party ang mga doctor para sa aming mga interns. Nagpadeliver lang naman sila ng pagkain dito sa quarters para masaluhan namin ngayong dinner. Dalawang lalake at isang babae yung bagong interns. Atsaka, babaeng doctor na papalit kay Doc Darcy. Married na yung doctor coz she's already 35. Yung interns naman ang singles.


May napapansin din kami ni Dylan dun sa babaeng intern. Para kasing---ewan ko ba, o baka guni-guni ko lang. Para kasing nastarstruck sya nung unang beses nyang makita si Dylan eh. Baka sya na nga yung matagal ng hinihintay ni Dylan. HAHAHAHAHA. Tinukso ko nga sya kanina eh nung magkalapit kami. Napansin ko kasi na habang kumain eh panay ang sulyap nung intern sa kanya. Ano nga bang pangalan nun? Aish! Nakalimutan ko, hapon na kasi silang dumating eh kaya naman bukas pa talaga yung simula ng duty nila sa ospital pero inimbita na rin namin sila sa padespidida party namin.



Nung matapos kumain eh nagkwentuhan pa kami sandali, hanggang sa napagpasyahan na naming magpaalam para makauwi na. Babalik pa naman kami bukas dito eh para kunin yung mga gamit namin.



"Tara na?" sabi ni Dylan sakin. Napatingin naman silang lahat samin pero di ko nalang pinansin yun. Matagal ng alam ng mga kasama namin dito na magkapitbahay lang kami ni Dylan atsaka close kami sa isa't isa. Bago pa kami naghiwalay nun ni Connor eh alam na nila yung sa amin ni Dylan.


Hindi ko dala ang scooter ko ngayon dahil sabay kaming pumasok ni Dylan kanina. Sabi nya rin kasi na ihahatid nya ako pauwi ngayon kasi last day ko daw dito sa ospital. Ihahatid nya lang ako dahil kelangan nya pang bumalik dito, overtime sila ngayon.



"Kunin ko lang yung bag ko." sabi ko sa kanya. Nakita ko namang nakatingin sakin yung babaeng intern pero binalewala ko nalang sya.



"Uuwi na kayo ni Khaly Doc Dylan?" tanong ni Caesar.


"Ihahatid ko lang sya, babalik din ako dito." sagot naman ni Dylan.
Tumango-tango naman si Caesar.



"Doc Dylan! Ingatan mo yang si Khaly ah, mahalaga sakin yan." singit naman ni Connor. Oo, mahilig humirit ng ganyan si Connor simula nung maging okay kami. Atsaka, tinutukso nya rin kasi ako kay Dylan. Halos silang lahat nga dito eh gustong maging kami ni Dylan. Nakakarindi na nga minsan pakinggan ang mga asar nila eh.


"Syempre naman Doc Connor. Di naman ako tulad mo eh." pabiro ring sabi ni Dylan kaya nagtawanan sila. At oo, medjo close na silang dalawa. Nagbibiruan na nga eh.



"Tumigil nga kayo!" saway ko sa kanila.



"Hala! Ang past at ang present." tukso naman ni Mia.



"Bakit past at present?" tanong naman bigla nung babaeng intern. Aba! Curious sya sa buhay namin? Teka nga-- feeling close naman ata sya agad?



"Eh kasi---"



"Hep!--- hindi nyo dapat pinagchichismisan ang buhay ko. Kayo ah!" hindi natapos ni Caesar yung sasabihin nya kasi nagsalita ako bigla.


Inakbayan naman ako ni Dylan.


"Alis na kami." sabi nya at hinila na ako palabas ng quarters.



"Sige Doc & Khaly! Susunod na rin kami." sabi ni Caesar.



Nung makarating kami sa parking lot eh pinagbuksan ako ni Dylan ng pinto ng kotse.



"Naks! Gentleman ka ata ngayon ah?" tukso ko sa kanya nakahawak pa rin sya sa pinto nung kotse.



"Doc Dylan! Khaly!" napatingin naman kami sa tumawag samin. Si Mia pala, kasama nya si Caesar at yung tatlong intern. Parang medjo naiinis ako sa pagmumukha nung babaeng intern eh. Tsk, di ko na tuloy sya feel.


Kinawayan ko sila. Nakatingin lang sila samin.


"Pumasok ka na kaya di ba?" sabi naman ni Dylan kaya pumasok na ako sa loob ng kotse. Umikot naman sya at sumakay na rin sa driverseat.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now