Chapter 41

5 0 0
                                    



Hindi ako umalis sa tabi ni Dylan habang nakaburol si Audrey. Nakiramay lahat ng mga kamag-anak at kaibigan nila. Pati na rin ang mga nakasama namin ni Dylan sa ospital. Iyak ng iyak din ang dalawang matalik na kaibigan ni Audrey na si Trisha at Kurt. Halos araw-araw eh andito sila sa burol para bantayan si Audrey. Hanggang sa nailibing na nga si Audrey, halos hindi ako makahinga kakaiyak. Pero medjo kalmado si Dylan nung mga panahong yun, nakayakap lang kami sa isa't isa. Sya pa nga yata ang nagpapatahan sakin nun eh.



Nakapagpahinga na sa wakas si Audrey at nasa tahimik na lugar na.


Audrey, bantayan mo sana lagi ang Kuya mo. Alam kong nasasaktan sya ng husto sa pagkawala mo, kaya naman wag mo syang pababayaan. Susubukan ko ring tuparin ang pangako ko sayo.



Isang linggo na simula nung mailibing si Audrey. Isang linggo na rin simula nung magkita kami ni Dylan, pagkatapos ng libing eh hindi na sya bumalik dito sa bahay nya sa probinsya. Hindi rin sya sumasagot sa mga tawag at text ko. Tinawagan ko na rin si Tita Hariet pero ang sabi nya eh madalas wala si Dylan sa bahay nila dun, mukhang busy daw sa pagpapatakbo ng negosyo. Nag-aalala na nga daw si Tita sa anak nya, dahil masyado daw pinofocus ni Dylan ang sarili sa trabaho.



Tatlong linggo ang nakalipas wala pa ring Dylan na nagpaparamdam. Halos araw-araw akong naghihintay sa labas ng bahay nya pagkatapos ng trabaho ko, nagbabakasakaling maisipan nalang nyang umuwi bigla.



"Ayos ka lang Khaly?" tanong naman ni Connor.



"Hindi."



"Hindi pa rin ba kayo nagkikita ni Dylan?"



"Oo, hindi ko alam pero parang iniiwasan nya ako Connor. Nung una naintindihan ko pa dahil baka gusto nya lang mapag-isa at magluksa sa pagkawala ng kapatid nya, pero mag-iisang buwan na akong walang balita sa kanya. Nag-aalala na ako, hindi rin daw sya makausap ng maayos ni Tita Hariet dahil lagi syang umaalis sa bahay nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko Connor." Tinapik naman ni Connor ang balikat ko. Kami lang dalawa ang nandito sa quarters kaya naman sinabi ko na sa kanya lahat ng saloobin ko.



"Wag kang masyadong mag-alala Khaly, baka puntahan ka nalang bigla nun o tawagan ka. Hintayin mo nalang muna sya." Napabuntong-hininga nalang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Edi yun din.



Nung makauwi ako galing sa trabaho eh huminto na naman ako sa bahay ni Dylan para maghintay ng ilang oras, baka sakaling dumating sya. Umupo ako sa isang elevated na parte ng semento dito sa tapat ng pintuan ng bahay nya at naghintay.




Ganito naman lagi ang ginagawa ko nitong mga nakaraang araw eh. Yumuko ako at nagsulat ng kung ano sa semento gamit ang daliri ko. Napatayo ako bigla nung may marinig akong sasakyan, at nakita ko nga ang sasakyan ni Dylan na papasok sa garahe nya. Lumabas naman sya mula dun at naglakad papalapit sakin. Seryoso ang mukha nya, hindi man lang sya ngumiti sakin.



"Dylan.." tawag ko sa kanya.



"Umuwi ka na Khaly." sabi nya at nilagpasan ako. Teka--- ano daw yun? Pinapauwi nya ako ng ganun lang? Halos isang buwan kaming di nagkita, ni hindi man lang nya nagawang magparamdam sakin. Hinihintay ko sya dito araw-araw tapos sasabihin nya lang na umuwi na ako? Naglolokohan ba kami dito?



Hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya sa pagpasok sa bahay nya.




"Teka lang.." napalingon naman sya sakin, ang cold ng expression ng mukha nya. Parang bumalik sa alaala ko yung unang beses na makita ko sya.



If We Could Be (F4-inspired)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon