Chapter 5

6 1 0
                                    


Buong linggo sabay kaming pumapasok at umuuwi ni Dylan galing sa trabaho. Buti nga at hindi pa napapansin yun ng mga kasamahan namin sa ospital. Friday na ngayon, malapit na rin yung oras ng tapos ng shift ko sa araw na toh. At mukhang hindi makakauwi ng maaga ngayon si Dylan dahil inextend yung shift nya. May emergency meeting kasi si Doc Ian kaya si Dylan muna ang pansamantalang papalit sa kanya. 8pm ang tapos ng shift ko, habang kay Dylan eh baka mga 11pm pa. Ibig sabihin lang nito eh kelangan kong magtiyaga sa paghahanap ng masasakyan pauwi. Inayos ko na yung mga gamit ko.

"Una na kami Khaly, Doc Dylan." pagpapaalam ni Mia at Caesar dahil uuwi na rin sila. Wala dito si Doc Connor at Doc Darcy busy sila sa mga pasyente, hanggang bukas pa yung shift nila. 

Nung matapos ko nang ayusin ang mga gamit ko eh kinuha ko na yung bag ko para makauwi na.

"Uuwi ka na?" Tanong ni Dylan.

"Ah. Oo, sige mauna na ako." sabi ko at akma nang lalabas ng mapansin kong tumayo sya at hinubad yung labcoat nya.

"Let's go." sabi nya bigla at naglakad palabas ng quarters.

"Teka--hindi ka pa pwedeng umuwi di ba?" sabi ko habang sumusunod sa kanya. Hindi sya sumagot hanggang sa nakarating kami sa parking lot.

"What?" Tanong nya nung mapansin na nakatayo lang ako malapit sa kotse nya.

"Teka nga!---uuwi ka na? Shift mo pa di ba? Kaya ko namang umuwi mag-isa eh, bumalik ka na dun sa loob." sabi ko sa kanya. Tinitigan nya lang ako ng nakakunot ang noo. Ang cold talaga ng expression ng mukha nya kahit kelan.

"I'm not going home. Ihahatid lang kita, babalik din ako dito pagkatapos."
Ano daw? Ihahatid nya lang ako? Tch. Mas lalong hindi pupwede toh.

"Hindi na. Maghahanap nalang ako ng masasakyan, hindi mo naman kelangang ihatid ako eh. Kung tungkol pa rin toh sa favor ni Audrey, okay na yun. Nakabawi na sya, so quits na kami. Kaya naman bumalik ka na dun sa quarters, may trabaho ka pa." sabi ko sa kanya.

"Just let me do this pwede ba? Hindi kita pwedeng hayaang umuwi mag-isa, baka kung ano pang mangyaring masama sayo kargo pa ng konsensya ko. Kaya sumakay ka na kung ayaw mong buhatin kita pasakay. Tch."

Uminit bigla yung ulo ko dahil sa sinabi nya. Shit lang! At sino sya para utusan ako ng ganun? Aish! Kumalma ka Khaly, kumalma ka. Kapatid sya ni Audrey, mabait yung bata sayo. Kumalma ka. Inhale, exhale.

Nakita kong sumakay na sya sa driverseat ng kotse. Ibinaba nya yung bintana ng kabilang seat para makita ko sya.

"Sasakay ka ba o bubuhatin kita?"
Leche. Sige na Khaly, para makauwi ka na rin. Aish! Kumalma ka.

Padabog kong binuksan yung pinto ng kotse at sumakay na dun.

"Seatbelt." sabi nya.

"Bwisit." di ko na napigilan ang bibig ko. Narinig ko naman na tumawa sya ng kaunti. At may gana pa syang pagtawanan ako? Nakakabwisit ang pagmumukha nya.

"Hindi mo dapat minumura ang senior colleague mo." sabi nya at pinaandar na ang kotse.

"Tch." eh ano ngayon eh sa nabubwisit ako sayo eh? gusto kong sabihin sa kanya yun pero pinigilan ko ang sarili ko. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa labas habang nasa byahe.

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa nakarating kami sa bahay. Pero bago ako bumaba eh nagsalita sya bigla.

"Pinapapunta ka nga pala ni Audrey sa bahay bukas. She wants to invite you on a dinner."

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko. Tiningnan ko lang sya, tinaasan nya ako ng kilay. Tch.

"I'll take that as a yes." sabi nya kaya naman binuksan ko na yung pinto at lumabas na ng kotse.

"Ewan ko sayo." sabi ko at sinirado na yung pinto. Naglakad na ako papasok sa bahay namin at pinaandar nya naman yung kotse para makaalis na.

***

Papunta ako ngayon sa bahay nila Dylan para kunin yung scooter ko. Mula kasi nung araw na sabay kaming pumapasok sa trabaho eh nakatambay na dun sa kanila yung scooter ko. Kaya naman kukunin ko na ngayon dahil wala na akong balak na sumabay pa sa kanya.
Buti nalang at nasa harap lang ng bahay nila yung scooter ko. Hinawakan ko yung manibela at iginiya yun papunta sa daan.

*Beeeeeeeppp!*
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng busina na narinig ko. Inis akong napatingin sa garahe ng bahay nila at nakita ko naman dun si Dylan na nasa loob ng kotse nya. Tsk.

"Bwisit talaga." bulong ko nalang sa sarili ko, isinuot ko na yung helmet ko at sumakay na sa scooter ko para makaalis na sa bwisit na lugar na yun.

Habang nasa daan eh nakita ko sa salamin ng scooter ko na nakasunod lang yung kotse ni Dylan. Medjo binilisan ko yung pagpapatakbo ng scooter pero napansin ko rin na mas lalong lumalapit sakin yung kotse nya.

Halos sabay lang kaming dumating sa parking lot ng ospital. Tinanggal ko yung helmet ko at pinark ko na yung scooter ko. Nakita ko naman na kanina pa lumabas si Dylan sa kotse nya. Nakasandal lang sya sa harap ng kotse habang nakatingin sakin.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Anong problema mo?"

"Wala naman.." sabi nya, inirapan ko nalang sya at nauna nang pumasok sa ospital.

Pagkadating sa quarters eh binati ko ang naroon. Pansin ko naman na paalis na si Doc Connor at Doc Darcy, ngayon pa kasi ang tapos ng shift nila.

"Pano ba yan? Uwi na muna kami. Nakakapagod gusto ko nang matulog." sabi ni Doc Darcy.

"Sige alis na kami." sabi naman ni Doc Connor, sakto naman na paglabas nila eh pumasok din si Dylan.

"Uwi na kami doc." pahabol na sabi ni Doc Darcy bago sila tuluyang umalis.

Tinanguan lang sila ni Dylan at dumiretso na sa table nya.

"Doc-- okay na po pala tong pinapareview niyong results." sabi ni Caesar at may inabot sya kay Dylan na mga charts.

"Sigurado ka?--- I'll be checking kung tama ang findings mo. I'll update you later."

"Sige po doc. Salamat."

"Mia?--"

"Yes doc?" sagot naman ni Mia at medjo lumapit sa table ni Dylan.

"I want you to include these patients sa rounds mo, sabi ni Doc Ian ipaubaya ko nalang daw ang pagmomonitor sa mga pasyente na toh sa mga interns. Tatlong pasyente lang naman ito, hindi naman siguro ito hassle masyado di ba?"

"Yes doc, okay lang po."

"Or kung gusto mo, ipamonitor mo nalang kay Caesar yung isa para naman mabawasan ang load mo."

"Sige po doc."

"Here. Ireview nyo ang mga test results nila." May inabot na charts si Dylan kay Mia.

"Yes doc."

Napaiwas ako ng tingin nung magkasulubong ang tingin namin ni Dylan. Binalik ko nalang ang atensyon ko sa libro na binabasa ko.

"Khaly?" tawag nya bigla.

Shit lang talaga. Gusto kong magmura pero shit lang, bakit ba kasi doctor na sya at ako eh intern palang? Naiinis na naman ako. Huminga ako ng malalim bago lumingon sa kanya.

"Yes doc?" sabi ko. Pinilit ko talagang magmukhang natural yung pagtawag ko sa kanya ng 'doc'. Mukhang ito yata ang unang beses na tinawag ko syang 'doc'.

"Come over here." Utos nya kaya wala na akong nagawa kundi tumayo at lumapit sa harap ng table nya.

Tumayo sya at kinuha nya yung ibang charts na nasa table nya. Binigay nya yun sakin bigla kaya wala akong nagawa kundi hawakan lahat yun.

"Samahan mo ko sa rounds ko. Let's go."
Bwisit! Ambigat kaya nito, ilang charts ba toh? Tapos gusto nya samahan ko sya at bitbitin lahat ng toh? Nang-aasar ba sya?

Kumalma ka Khaly, kalma. Doctor sya, senior mo sya. Kaya kumalma ka. Huminga ako ng malalim at bitbit ang mga charts eh sumunod ako kay Dylan.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now