Chapter 35

7 0 0
                                    

It's my graduation day today! Kakatapos lang ng ceremony at unti-unti ng nagsisilabasan yung mga tao sa auditorium. Naggroup picture pa kami ng mga kaklase ko kaya di pa kami lumalabas dito.



"Khaly!" may tumawag sakin. Napangiti naman ako nung makita ko si Dylan at Audrey. May hawak na bouquet of flowers si Dylan, thankfully hindi rose or sunflower yun. Variety of flowers kaya okay!
Lumapit ako sa kanila. Niyakap naman agad ako ni Audrey.


"Congratulations ate Khaly!" sabi nya at humiwalay na sa pagkakayakap sakin. Tiningnan ko naman si Dylan, nakaopen arms na sya at ready na para sa isang yakap kaya naman niyakap ko nalang sya.



"Congrats Khaly." bulong nya habang magkayakap kami.



"Thank you." sabi ko at humiwalay na sa yakap. Inabot nya naman sakin yung bouquet.



"Walang roses at sunflowers yan ah." ngumiti naman ako.


"Kita ko nga. Salamat."


"Khaly! Picture muna kayo!" sabi ni Tita Ivy. Kasama nya si Mama, yung asawa nya at ang anak nilang si Castiel na ngayon ang 5 years old na.


Nagpose naman kaming tatlo ng kung ano-anu. May kaming dalawa lang ni Audrey tapos nirequest ni audrey na magpicture kaming dalawa ni Dylan.


Inakbayan naman ako ni Dylan at nagsmile kami sa camera. Ilang pose pa ang ginawa namin hanggang sa magsawa na kami at napagpasyahang lumabas na ng auditorium para maghanap ng makakainang restaurant.



***



Ngayon ang dating ni Darren at Jennie galing Canada. Kasama ko si Doc Darcy at Connor papunta sa airport ngayon para salubungin sila.



"Khaly? Kumusta na nga pala kayo ni Dylan?" tanong ni Doc Darcy.


"Maayos naman kami Doc."



"Ate Darcy nalang Khaly." tumango naman ako. Nasa backseat ako ng kotse nakaupo habang nasa harapang upuan si Connor at Ate Darcy.



"Kumusta na ang kapatid nya?" Tanong naman ni Connor.



"I think she's doing fine, sana nga magtuloy-tuloy na."



"How about your relationship with him?" Tanong ni Connor.



"Magkaibigan lang kami."



"Pwede namang maging kayo eh di ba? Close kayo, you know each other very well. Kaya naman-- hindi malabong mahulog kayo sa isa't isa."



"O baka naman gusto nyong matulad sa nangyari samin nitong si Connor noon bago kami umabot sa ganito? Habang maaga pa alamin nyo na dapat ang nararamdaman nyo sa isa't isa, if you have feelings don't just set it aside or ignore it. Give it a chance." sabi naman ni Ate Darcy.



"Pinagtutulungan nyo na naman akong dalawa ah. Tsk." narinig ko namang tumawa sila.



Nung makarating na kami sa airport eh hinintay namin sina Darren sa waiting area.



"DARREN!!!" Sigaw ni Ate Darcy at kinawayan si Darren. Magkahawak-kamay sila ni Jennie habang papalapit samin dala ang bagahe nila.



"Ate Darcy!---Khaly! Doc Connor!" Bati ni Darren samin at isa-isa kaming niyakap pagkalapit nya samin. Niyakap din namin ni Ate Darcy si Jennie. Magkaibigan naman kasi kami ni Jennie eh bago siya umalis nun papuntang Canada, medjo naging close din kami dahil nga girlfriend sya ni Darren tsaka tuwing nag-uusap kami ni Darren sa skype eh kasama sya kaya nakakausap ko rin sya.



If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now