Chapter 36

2 0 0
                                    



Dahil matagal pa bago lumabas yung resulta ng board exam eh tambay muna ako dito sa bahay. Sabi ni mama magpahinga daw muna ako ng ilang buwan dahil sobrang ginugol ko raw ang oras ko sa pag-aaral sa loob ng ilang taon.



Nasa ospital pa rin si Audrey hanggang ngayon. Ilang araw na syang nandun dahil madami pang kelangang gawin na tests para malaman ang sakit nya. Dinadalaw naman namin sya dun ni Dylan ng madalas. Tuwing day-off ni Dylan eh pumupunta kami kay Audrey. Minsan din ako lang mag-isa ang pumupunta kapag overtime si Dylan sa trabaho.



Tumunog naman bigla ang phone ko. Andito ako sa sala ng bahay namin habang nanonood ng tv. Si mama eh nasa kwarto na nya, tulog na. Mag-aalas dies na rin kasi ng gabi.



It's Tita Hariet calling, sinagot ko naman agad yun.



"Hello Tita? Napatawag ka?"



"Khaly? Magkasama ba kayo ni Dylan?"



"Hindi po tita, nasa bahay po ako. Bakit may problema ba?"



"He's not answering my calls Khaly, matapos kong sabihin sa kanya ang findings ng mga doctor dito sa sakit ni Audrey-- I couldn't reach him anymore."



"Po? May findings na? Ano pong sakit ni Audrey tita?" tumahimik naman bigla sa kabilang linya at narinig ko ang mga hikbi ni Tita. Kinakabahan ako sa sasabihin nya.



"Tita?"



"Audrey has leukemia Khaly, stage 2." sabi ni Tita. Nanlamig ako sa kinauupuan ko.
Hindi ko alam pero tumulo nalang bigla ang luha ko. Audrey is still too young to suffer like this.



"Alam ko nag-aalala yun si Dylan. Please hanapin mo sya Khaly, puntahan mo sya. He needs someone to comfort him."



"O-opo Tita." sabi ko.



"Thank you Khaly." sabi ni Tita at inend na yung call.



***


Kahit gabing-gabi na eh lumabas ako ng bahay para pumunta sa bahay ni Dylan. Nagdoorbell ako ng ilang beses pero wala pa ring Dylan na lumalabas. Kumatok din ako sa pinto ng ilang beses, nung pinihit ko ang doorknob eh bukas naman pala kaya nagmadali akong pumasok. Sinubukan kong tawagan si Dylan kanina pero hindi nya rin sinasagot.


Wala sya sa sala, nagpunta ako sa kusina at doon ko sya nakita sa may dining table habang umiinom ng alak. Naglalasing sya ngayon dahil sa nalaman nya? What is he even doing?


Nung akmang iinom na sya ulit mula sa baso eh lumapit ako sa kanya at kinuha sa kamay nya ang basong may lamang alak. Napatingin naman sya sakin. Mukhang galing lang sya sa pag-iyak, namumula ang mata at ilong nya.


"Khaly.." bumuntong hininga ako at umupo dun sa upuan katabi nya. Hinawakan ko ang kamay nyang nakapatong sa table.



"Dylan, hindi matutuwa si Audrey pag nakita ka nyang ganito." napayuko sya.


"She's too young Khaly, bakit kelangan mangyari yun sa kanya?" Nilapit ko ang upuan ko sa kanya at niyakap ko sya. Ito lang ang magagawa ko sa ngayon para sa kanila.



"Ssshh..she's a strong kid Dylan."


"She has a goddamn leukemia Khaly!" pasigaw nyang sabi at hindi na nga nya napigilan ang pag-iyak kaya naman nakaramdaman ako ng sakit sa puso ko. Tumulo na rin ang mga luha ko. Masakit makitang nahihirapan ang dalawang taong napakaimportante sa buhay ko at wala man lang akong magawa para sa kanila. They've always been there for me at ngayon may sakit si Audrey, she's suffering and Audrey's suffering is Dylan's suffering too. Ansakit makitang nangyayari toh.



If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now