Chapter 6

5 1 0
                                    

Pangsampung pasyente na ni Dylan tong pinuntahan namin. Grabe-- nakakapagod nang sumunod sa kanya. Buti nalang at may tumulong saking nurse sa pagdala nung mga charts kundi baka hindi na ako nakapagtake note sa mga sinasabi ni Dylan.

Kaya lang pansin ko itong dalawang babaeng nurse na kasama ko eh ang lagkit makatingin kay Dylan. Anlalandi.

"Yes doc."

"Heto po doc."

"May kelangan pa po kayo doc?" Tch. Ang aarte pa ng tono ng boses pag nagsasalita. Napapairap nalang ako dahil sa kanilang dalawa.

Buti nalang at natapos na rin kami sa wakas.

"Pakihatid nalang yang mga charts dun sa table ko. Khaly--ibigay mo na yan sa kanila." sabi ni Dylan kaya naman binigay ko dun sa nurse yung dala kong charts.

"Sige po. Kami nang bahala dito, mauna na kami doc Dylan." Maarteng pagpapaalam nung dalawang nurse. Napangiwi ako dahil nakakadiri silang pakinggan.
Mabuti nalang eh umalis na sa harap namin yung dalawang nurse.

"Let's go." napatingin naman ako sa kanya.

"Saan?"

"Sa canteen. I'm starving." sabi nya at nauna nang maglakad. Tch. Sumunod nalang din ako sa kanya dahil nagugutom na rin ako. Nakakapagod kayang bumuntot sa kanya. Andami nya pang pasyenteng pinuntahan, haist.

Ambilis nyang maglakad. Nasa counter na sya ng canteen samantalang ako eh nasa may pinto palang. Hindi halatang gutom sya. Tsk. Lumapit na ako dun sa counter para umorder na rin ng pagkain ko.

"Pinag-order na kita. My treat. Humanap ka nalang ng table natin."

"Pero---"

"Just go." wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Bakit ba hindi ko magawang umangal sa kanya? Aish!

Nung makahanap ako ng vacant table eh pumwesto na ako dun at hinintay nalang sya. Dumating naman agad sya at nilapag ang tray ng pagkain. Umupo na rin sya kaharap ko. Nagsimula na kaming kumain dahil nga gutom na rin ako.

"S-salamat." sabi ko bago sinubo yung pagkain. Marunong naman kasi akong magpasalamat kahit naiinis na ako sa kanya.

"Hindi mo naman siguro nakalimutan yung dinner mamaya di ba?" sabi nya bigla.

"Hindi naman ako pumayag dun eh."

"Audrey's expecting you to come."

"Haist. Fine." sabi ko nalang. Para naman kay Audrey yung dinner eh kaya okay lang.

"Good." sabi nya. Tumahimik na kami at nagpatuloy nalang sa pagkain.


"You look pale. Are you okay?" sabi nya nung matapos na syang kumain. Habang ako eh sinusubukang ubusin yung pagkain ko.

"Okay lang ako." sagot ko nalang.

"Sigurado ka?"
Tumango nalang ako at uminom ng drinks.

"Mabuti dahil marami pa akong ipapagawa sayo. Hindi dapat sakitin ang mga doctor."

"Tch. Oo na po doc."

"You're done? Let's go." Sabi nya at tumayo na para umalis. Alam nyo yung nakakainis? Sya yun eh. Bwisit talaga.

****

Andito na ako ngayon sa bahay nina Dylan. Hindi pa ako umuuwi sa bahay, dito na ako dumiretso para wala nang maraming tanong pa si mama pag-umuwi pa ako at umalis ulit.

"Kumusta ka Ate Khaly? Balita ko magkatrabaho kayo ni Kuya Dylan? Nakakaexcite naman!" sabi ni Audrey habang nasa harap kami ng hapagkainan. Kaming tatlo lang ang nandito, tsaka si Audrey lang yung gumagawa ng mood at nagsasalita parati habang kumakain.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now