Chapter 18

6 0 0
                                    


"Khaly? ---sabay na tayong maglunch?" anyaya ni Connor sakin. Napatingin naman ako kay Doc Darcy dahil nakatingin din sya sa amin.

"Ah--- mauna nalang kayo, may pupuntahan pa kasi akong pasyente maya-maya doc."

"Ganun ba? Sige. Baka gusto mo antayin nalang kita para may kasabay kang kumain mamaya?"

"Hindi na Doc. Okay lang ako." sabi ko at nginitian ko sya.

"Hayy. Fine. Hindi talaga kita mapipilit noh?"

"Sige na doc, kumain na kayo." sabi ko at tumawa nalang. Umalis na rin si Doc Connor kasama si Caesar at Mia.

Naiwan naman kami ni Doc Darcy sa quarters.

"Doc? Di ka ba maglalunch?" tanong ko sa kanya.

"Tapos na ako kanina.." sagot naman nya kaya naman hindi na ako nagsalita at nagbasa nalang ng libro. Ilang minuto din kaming tahimik hanggang sa nagsalita si Doc Darcy.

"Khaly? Pwede ba tayong mag-usap?"

"Po?--- oo naman doc. Ano po bang pag-uusapan natin?" Tumayo naman si Doc Darcy at sumandal sa table nya kaya humarap ako sa kanya.

"Sana bigyan mo ng chance si Connor." nagulat ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko akalain na yun yung sasabihin nya.

"Doc--"

"Kung nag-aalala ka dahil sakin, na baka masaktan ako kapag naging mas malapit pa kayo. Please wag Khaly. Hindi mo ko kelangang protektahan sa sakit. Atsaka, nag-usap na kami ni Connor. Hindi ko nga lang nasabi ang nararamdaman ko, pero maayos na kami. Ayoko ng umasa sa kanya Khaly, gusto kong maging masaya sya. At gusto ko na ring lumagay sa tahimik Khaly, I'm planning to resign. Magpapakasal na ako."

"Po?---Kasal? Magpapakasal na kayo Doc? Kanino?"

"Sa boyfriend ko malamang Khaly." tumawa sya.

"M-may boyfriend po kayo?"

"Fortunately yes, he's a family friend & business partner ng dad ko. Bago pa lang kami, pinakilala kami ng parents ko sa isa't isa. More like I'll be having a fixed marriage Khaly, but don't worry hindi naman ako napipilitan o pinilit na gawin toh. I wanted to settle down too. I'm not getting any younger, kaya naman mas makakabuti na toh. So please, I want Connor to be happy Khaly. He's a good man, alam kong pasasayahin ka nya kung bibigyan mo lang sya ng pagkakataon."

"Dor Darcy...." ngumiti si Doc at lumapit sakin. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Alam ko ring magiging masaya sya sayo. You two look good together alam mo ba yun? Minsan nga eh naiinis ako sayo pero madaling nawawala yun. You're so likable Khaly, hindi ko talaga magawang magalit sayo and you're a good person. Kaya siguro nagustuhan ka ni Connor, maski ako hindi makatanggi sa charms mo." Tumawa si Doc Darcy, she patted my head.

"Doc naman eh."

"Give him a chance." sabi nya ulit at bumitaw na sakin. Tumango nalang ako at nginitian ako ni Doc. Bakit ba ako naiipit sa mga sitwasyong ganito? Tsaka di ko kinaya ang revelation ni Doc Darcy na magpapakasal na sya at the same time eh magreresign din. Hayyy.

****

Pauwi na ako ngayon. 9pm natapos ang shift ko ngayon. Yung mga doctor eh overtime na naman. Nakasakay ako sa scooter ko habang pauwi. Napansin ko na naman yung dalawang lalake sa tabi ng daanan sa may puno. Ilang linggo ko nang napapansin ang dalawang yun na tumatambay lang dun. Ano ba talagang trip ng mga yun? Tch.

Pagkarating ko sa bahay eh nadatnan ko si mama na nasa sala pa kasama si Tita Ivy nanonood ng tv.

"Magandang gabi po." nagmano ako sa kanilang dalawa.

"Magandang gabi din."

"Ba't hindi pa po kayo natutulog?" tanong ko sa kanila.

"Nagpasarap kasi ang kwentuhan namin nitong si Ate eh." sabi ni Tita.

"Ganun po ba? Mauna na po akong magpahinga ah? Inaantok na po kasi ako."

"Sya sige anak. Magpahinga ka na jan."
Pumasok na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now