Chapter 2

8 1 0
                                    




Nakatitig lang ako sa scooter ko. Kelangan ko nang umalis, pero di ko alam kung kaya ko bang magmaneho. Nakakainis naman kasi tong sugat at pasa ko eh. Yung sugat ko eh nagsimula nang kumirot pagkatapos kong maligo, tsaka dahil sa pasa ko sa binti eh di ko maitapak ng mabuti yung left leg ko. Pag kasi masyadong nabibigyan ng force yung left leg eh sumasakit dahil sa pasa.



"Oh ano? Kaya mo ba? Magcommute ka nalang. Tatawagan ko nalang si Mang Tonyo para maihatid ka ng tricyle nya." Sabi ni mama.



"Hindi, okay lang ako. Kaya ko." sabi ko at nagsuot na ng helmet. Sumakay na rin ako sa scooter ko at pinaandar na yun.



"Sigurado ka ba? Baka madisgrasya ka na naman anak, nag-aalala ako."



"Ayos lang ako ma. Sige na, alis na ako." pagpapaalam ko at umalis na. Dahan-dahan lang yung pagpapatakbo ko sa scooter dahil ramdam na ramdam ko talaga yung sakit sa katawan ko. Nung mapadaan ako sa bahay nina Audrey eh narinig ko ang sigaw nya.



"Ate Khaly! Sandali lang!" sigaw nya kaya napahinto ako. Muntik na akong mapamura nung maitukod ko yung left leg ko. Sobrang sakit shit!




Lumapit si Audrey sakin at sumigaw sya ulit.




"Kuya! Andito na si Ate Khaly! Bilis na!"





"Bakit? Anong problema Audrey?"



"Ahh. Wala naman ate. Bumaba ka muna jan sa scooter mo, okay lang ba?" Tumango naman ako at nilabas yung stand nung scooter at bumaba ako ng dahan-dahan.



"Ano bang meron?" May lumabas bigla na kotse galing sa garahe ng bahay nila.

"Sumabay ka na kay Kuya Dylan ate, sabihan mo lang sya kung saan ka nagtatrabaho para maihatid ka nya. Mukhang hindi ka pa okay eh. Baka mapano ka pa kapag nagdrive ka ng scooter."

"Ah--eh..Hindi na Audrey, kaya ko namang magdrive eh. Di na kailangan." Nakita kong lumabas si Dylan dun sa kotse at lumapit samin ni Audrey.

"Ate naman eh! Sige na please, kasalanan ko kung ba't nangyari yan sayo kaya naman hayaan mo na akong makabawi. Nakokonsensya kasi talaga ako eh, this would make me feel better. Tsaka ipapasundo din kita kay Kuya pagkatapos ng trabaho mo, kaya please ate pumayag ka na? I'm really worried." Napabuntong-hininga ako at tiningnan silang dalawa. Si Audrey eh naghihintay ng pagpayag ko, si Dylan naman eh wala lang.

"Ano--kasi..."

"Kung inaalala mo if it's okay with me, it's totally fine. May kasalanan ang kapatid ko sayo so I'm willing to help her para makabawi sayo. So pwede na ba tayong umalis? May pupuntahan din kasi ako." sabi ni Dylan.

"See ate? So sige na, iwan mo nalang dito yang scooter mo." Wala na akong nagawa, sumakay na nga kami sa kotse ni Dylan. Pero bago ko maisarado yung pinto ng kotse eh tinawag ako ni Audrey.

"Wait ate---here, I made lunch for you. Hope you'll like it, tinulungan ako ni Kuya sa paggawa nyan kaya don't worry hindi masama ang lasa nyan." Tumawa naman si Audrey at inabot sakin ang isang paperbag na may lamang lunchpacks.

"Ah--salamat audrey. Sobra-sobra na tong ginawa mong pagbawi sakin."

"It's nothing ate, tsaka aalis din kasi ako ngayon. Susunduin ako ni mommy mamaya, babalik ako sa city dun kasi ako nag-aaral. I'll visit here every weekends & holidays lang. So see you this weekend nalang ulit ate."

"Ah ganun ba? Sige, see you this weekend. Pagbutihan mo ang pag-aaral." Nginitian ko sya.

"Thanks ate!"

If We Could Be (F4-inspired)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon