Chapter 40

4 2 0
                                    


Nagkaroon ng complications sa transplant ni Audrey. Tinatalo at kinakain ng cancer cells ang bone marrow na trinansfer sa kanya. Audrey became so weak for the past months. Nawawalan na rin sya ng ganang kumain, hindi na umaalis si Dylan at Tita sa tabi nya. And the doctor said na nasa terminal stage na ang sakit ni Audrey. Iyak kami ng iyak nung malaman namin yun, halos magwala si Dylan dahil sa sobra-sobrang frustration at pag-aalala.


Halos dalawang taon ng nilalabanan ni Audrey ang sakit nya, she's already 16 years old. Nagdadalaga na sya and she's not even enjoying her time as a teenager, napakasakit makita syang nahihirapan ng ganito araw-araw.


Ibang-iba na ang itsura ni Audrey sa dating audrey na nakilala ko. She lost so much weight at nalagas na lahat ng buhok nya dahil sa chemotherapy. But she's still the same beautiful, happy, smart and strong kid I know. Kahit may nakakabit ng aparatus sa katawan nya para imonitor ang heartbeat at breathing nya eh nagagawa nya pa ring ngumiti at pasayahin kami.


Pinapanood namin ngayon ni Audrey at Dylan yung video ni audrey habang kumakanta sya nung 13th birthday nya.


"You sing very well Audrey." sabi ko naman.


"Nagmana ako kay Kuya eh." sabi nya kaya napatawa naman kami. Masyadong matamlay at mahina na ang pagsasalita ni Audrey, pero pinipilit nya pa ring maging lively kahit konti.



"Ofcourse. Like brother, like sister." sabi naman ni Dylan.


Pinanood din namin yung live video namin nun sa bahay nila habang nagvivideoke. Tawa kami ng tawa kasi para pala kaming sira nun ni Audrey.



"Para kayong baliw dalawa dito." sabi ni Dylan.


"You should've join us kuya." sabi naman ni Audrey.


"You know I'm not a good dancer Audrey." ngumiti naman si Audrey.


"Oo nga pala." sabi naman nya. Nung matapos na yung video eh mga pictures naman namin ang tiningnan namin gamit ang phone ni Audrey. Nasa phone nya kasi halos lahat ng pictures namin na magkasama eh.


"Oh! Bakit may picture ka nito?" tanong ko kasi picture namin ni Dylan yung nagdisplay sa phone nya nung nagcacarwash kami ng kotse nya habang inaagaw ko yung host ng tubig.


Ngumiti naman si Audrey.



"Number one fan kasi ako ng love team nyo eh." sabi naman nya kaya natawa nalang kami ni Dylan. Pinagpatuloy namin ang pagtingin sa mga pictures sa phone ni Audrey at halos puro stolen pics namin ni Dylan ng magkasama ang nandun sa gallery nya.


"Andami naman yata nito, para kang stalker audrey ah." sabi ni Dylan, natawa naman si Audrey.


"It's because I love seeing you guys together."


"And I love seeing us three together." sabi ko naman at kinurot ng kaunti ang pisngi ni Audrey.



"Kaya naman you should gain your energy back para makapagbonding tayong tatlo." sabi ni Dylan. Ngumiti nalang si Audrey.


"I'm tired ate and kuya. I wanna rest." sabi naman ni Audrey kaya tumango nalang kami. Hinalikan namin sya sa noo at hinayaan na muna na matulog at makapagpahinga.



***



"Mommy, Kuya, Ate, and Tita." tawag ni Audrey samin. Andito din si Mama para bisitahin si Audrey. Nasa tabi lang kaming lahat ng kama ni Audrey.



Hinawakan naman ni Dylan ang kamay ng kapatid nya.



"Yes audrey?" sabi nya dito.



"Thank you for being here for me. I love you guys so much."



"We love you too Audrey." sabay naming sabi. Hinalikan naman ni Dylan ang kamay ni Audrey pati ang noo nito.



"But I'm tired kuya...Can I rest now?" kinabahan naman ako bigla sa sinabi ni Audrey. Dati nya na naman tong sinasabi eh pero iba ngayon, parang ito na yung huling beses na sasabihin nya toh. Napaiyak na si Tita kaya niyakap sya ni mama.


"No, not yet Audrey. Ichecheck ka pa ng doctor mo. Hindi ka pa pwedeng magpahinga please, don't close your eyes yet baby." sabi naman ni Dylan at tumulo na rin ang mga luha nya. Napaiyak na rin ako, audrey wants to rest already. Hinawakan ko ang balikat ni Dylan. Lumapit naman kay Audrey si Tita at hinalikan sya sa noo ng matagal.



"Do you really wanna rest baby?" tanong ni Tita kay Audrey. Tumango si Audrey ng kaunti.



"Yes mommy." napapikit ng marahan si Tita habang patuloy sa pagtulo ang mga luha nya.


"Then rest now baby. You've been strong enough, mahal na mahal ka ni Mommy." sabi naman ni Tita, she's willing to let Audrey go.



"Mom! No-- Audrey, you can't rest yet. Not yet--please makinig ka kay Kuya."
Hindi ko na napigilan ang paghikbi. Dylan is crying really hard too. Hinang-hina na rin si Audrey pero ayaw pa syang bitawan ni Dylan.



"Thank you mommy...I love you too so much.. Kuya Dylan...I'm really tired, please let me rest now."


"No Audrey--please...not yet.."


"I love you Kuya." sabi ni Audrey.



"I love you too Audrey." Hinalikan ulit ni Dylan si Audrey sa noo.



"I'll sleep now." sabi ni Audrey at pinikit ang mga mata nya. Ilang sandali pagkatapos nun eh narinig namin ang isang dirediretso at nakakabinging tunog mula sa makinang nakakabit kay Audrey.



"Audrey? Audrey?! Wake up! Please! No! Audrey!" Niyugyog ni Dylan si Audrey at niyakap. Niyakap din sya ng mommy nya. Napayakap din ako kay Mama habang umiiyak.


Dumating naman yung mga doctor at nurse para subukang irevive si Audrey, pero wala na silang nagawa. Inagaw naman ni Dylan yung aparatus at nirevive yung kapatid nya. But it's no use kaya pinigilan na sya ng mga nurse at doctor. Niyakap sya ng mahigpit ni Tita. Nasasaktan ako sa nangyayari, wala na si Audrey and Dylan's torn into pieces at wala man lang akong magawa para sa kanila.




Rest now Audrey, Ate Khaly loves you so much and will remember you forever.



***



Dinala na ang katawan ni Audrey sa morgue ng ospital, sinamahan naman ni Mama si Tita Hariet papunta dun. Andito pa rin kami ni Dylan sa kwarto ni Audrey dito sa ospital. Nakayuko lang sya, medjo kumalma na sya pero umiiyak pa rin sya hanggang ngayon. Nilapitan ko sya at niyakap. Ito lang ang magagawa ko para sa kanya ngayon.


"Wala na si Audrey, Khaly. She's really gone. Iniwan na nya kami." Iyak lang sya ng iyak sakin. Hindi ko sya pinatahan, hinayaan ko lang syang umiyak at sabihin lahat ng gusto nyang sabihin.


"Mahal na mahal ko sya Khaly, mahal na mahal ko ang kapatid ko."


"Alam nya yun Dylan. Mahal na mahal ka rin ni Audrey." sabi ko kay Dylan, pinaharap ko sya sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi nya. Pinahiran ko ang mga luhang umaagos sa mga mata nya kahit ako mismo eh umiiyak din kagaya nya. Tinitigan nya lang ako.


"Audrey wants to rest Dylan, she's in a good place now. She won't suffer anymore." sabi ko sa kanya.


"I'm so selfish Khaly--- hindi ko man lang sya pinagbigyan nung sinabi nyang gusto na nyang magpahinga. I wanted her to stay, hindi ko inintindi na nahihirapan na sya. Wala akong kwentang kapatid." niyakap ko ulit si Dylan.


"Dylan, naiintindihan ka ni Audrey. Now, you have to completely let her go." hindi na nagsalita pa si Dylan. I can't imagine the pain he's feeling now, nawalan sya ng kapatid. I know he's hurt a lot dahil mahal na mahal nya si Audrey. I wish I could do something para mabawasan ang sakit na nararamdaman nya.

If We Could Be (F4-inspired)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon