Chapter 32

3 0 0
                                    

Nasa loob na ako ng guest room ngayon. Kanina pa natapos ang party, pinatulog na si Audrey ng mommy nya dahil lampas hatinggabi na. Nakapagbihis na rin ako para makatulog na.


Hihiga na sana ako kaya lang may biglang kumatok sa pintuan kaya tumayo ako para buksan yun. Bumungad naman sakin ang isang amoy alak na Dylan.


"Oh? May kelangan ka?" tanong ko sa kanya.


"I'll sleep here." sabi nya bigla at dirediretsong pumasok sa guest room.


"Teka---! Ano bang ginagawa mo? Lasing ka na Dylan, dun ka nga sa kwarto mo." Muntik na syang matumba habang papasok kaya inalalayan ko sya at iginiya palabas ng guest room para ihatid sa kwarto nya. Naituro ni Audrey sakin kung saan yung kwarto ng Kuya nya kanina nung mag-ikot kami dito sa bahay nila. Kahit sobrang bigat ni Dylan eh pinilit ko paring kayanin na alalayan sya papunta sa kwarto nya.


"Maglalasing ka tapos mang-iistorbo ka ng iba. Tsk." pinihit ko yung doorknob ng kwarto nya, buti nalang at bukas pala. Kahit nahihirapan ako eh keri pa rin. Bwisit talaga kahit kelan ang Dylan na toh. Tch.


"Khaly..."


"Ano?" sagot ko sa kanya habang papasok kami sa kwarto nya.


"Khaly.."



"Ano nga?!" inis kong sagot sa kanya. Hinawakan naman nya bigla ang ulo ko at ginulo yung buhok ko.



"Is this my room?"



"Opo kamahalan. Tsk. Hinatid na po kita sa kwarto mo dahil lasing ka na po." nung nasa tapat na kami ng kama nya eh bigla nya akong niyakap. Nakaakbay sya sakin kanina para maalalayan ko sya kaya naman madali lang nya akong nayakap.


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Yung dalawang kamay ko kasi eh nasa pagitan ng dibdib namin habang yakap nya ako.


"Dylan ano ba! Bitaw nga! Amoy alak ka oh! Tsk." sabi ko at pilit na tinulak sya kaya lang sobrang higpit ng yakap nya. Nababaliw na ata sya dahil sa epekto ng alak! Aish!


"Dito ka lang." sabi nya.


"Dylan!" saway ko sa kanya at sa di ko malamang dahilan eh bigla nalang kaming bumagsak sa kama nya. Nakadagan sya sakin. Tangina. Nasa ibabaw ko sya at ang awkward nito kasi nakatingin sakin ang mapupungay nyang mga mata. Halata mong inaantok na sya.


Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sobrang lapit din ng mukha namin sa isa't isa kay di halos ako makahinga. Nakita ko naman ngumiti sya at hinawi ang konting buhok na nakaharang sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil bigla nya akong hinalikan-- sa labi! Shit!


Para akong binuhusan ng malamig at mainit na tubig. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naramdaman ko na dahan-dahang gumagalaw ang labi nya habang hinalikan ako. Hindi gumagana ang utak ko. Dylan! Bwisit ka talaga!


Napatigil sya bigla sa paghalik at naramdaman kong bumagsak ang ulo nya sa gilid ng ulo ko. Napatingin naman ako sa kanya at nakitang nakatulog sya.


Leche! Nalalasahan ko yung alak na ininom nya dahil sa paghalik nya sakin kanina. Natulala ako saglit dahil di ko alam ang gagawin ko, hanggang sa bumalik ako sa katinuan. Pilit kong inalis ang pagkakadagan nya sakin para makalabas na ako sa kwarto nya. Thankfully eh nagawa ko namang alisin sya sa ibabaw ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto nya. Hinayaan ko nalang sya sa kung ano mang pwesto nya dun sa kama nya habang natutulog. Bwisit!



Pagkapasok ko sa guest room eh sumalampak agad ako sa kama at ibinaon ang ulo ko sa unan. Napasigaw ako dahil sa magkahalong inis at kabang nararamdaman ko.


If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now