Chapter 21

4 0 0
                                    


Kasama ko ngayon si Audrey at Dylan dito sa bahay nila. Kumakain kami ng ice cream dahil nagrequest si Audrey. Nanonood na naman kami ng movie.

"Kumusta nga pala kayo ni Doc Connor?" tanong bigla ni Dylan.

"Okay naman kami."

"Who's Doc Connor ate?"

"Ah. Katrabaho namin siya ni Dylan sa ospital, doctor din sya gaya ng kuya mo."
Tumango-tango si audrey.

"Is he your boyfriend?"

"No Audrey." nginitian ko sya at ginulo ang buhok nya.

"Soon to be boyfriend nya Audrey." sabi ni Dylan. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"What? Is he courting you ate? Do you like him? I thought you like Kuya Darren?"

"Feelings can change Audrey. Always remember that.. Di ba Khaly? I really think you already like Doc Connor. Nakakainis kayo minsan tingnan sa ospital, love birds. Tch." sabi nya.

"Tch. Narealize ko lang kasi na masyado akong naging harsh sa kanya nung nakaraan. Kaya naman binigyan ko sya ng chance."

"Chances. Maswerte si Doc Connor binigyan mo sya." sabi nya ulit.

"He deserved it though." sabi ko nalang.

"Confirmed. Gusto mo na nga sya." sabi nya.

"Does that mean magkakaboyfriend ka na ate Khaly? So--- wala ng chance kayo ni Kuya Dylan?"

"Audrey..."

"Wala naman talagang chance kami in the first place Audrey. We already made it clear to you right? I even said don't put your hopes too high. Me & Khaly, we're good friends. Nothing more." pagpapaliwanag ni Dylan. Sumimangot naman si Audrey kaya niyakap ko sya.

"Hay naku..Wag ka nang malungkot, ayaw mo yatang magkaboyfriend ako eh."

"No, I want you to have one ate. I just wish it's Kuya Dylan."

"Wishes don't always come true Audrey." Prangka talaga masyado si Dylan. Hindi man lang nya naisipang isugarcoat yung mga sinasabi nya para sa kapatid nya. Well partly naiintindihan ko naman kung ba't nya ginagawa yun, gusto nya lang ipaintindi ng maayos kay Audrey ang sitwasyon.

***

Ngayon ang date namin ni Connor. Pinagsabay namin ang day-off namin para masulit yung araw. Nagpunta kami sa syudad, kumain, nanood ng sine at nag-ikot-ikot.

Habang naglalakad kami eh bigla nya nalang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako dun. Tiningnan ko sya at nginitian nya lang ako. Hinayaan ko nalang sya. Nasa isang park kami na malapit sa dagat. Maraming mga streetvendors ang nakapwesto dito sa loob ng parke pati na rin sa labas. Marami ding tao na tumatambay dito.

Sinusway naman ni Connor yung kamay namin habang naglalakad kay natawa nalang ako sa pagkachildish nya.

"Nag-eenjoy ka ba?"

"Hindi naman ako na bored so okay na rin." sabi ko ng pabiro.

"Pinapahirapan mo talaga ako noh? Pero ayos lang masaya naman ako eh." sabi nya. Umupo kami sa isang bench kaharap ang dagat. Binitawan na nya ang kamay ko at inakbayan ako.

"Maaga pa, may gusto pa akong puntahan natin." sabi nya.

"Tara na?" sabi ko naman.

"Pero mamaya nalang. Nag-eenjoy pa ako sa moment natin eh."

Inirapan ko nalang sya.


"Curious lang ako Khaly."

"Sa alin?"

"May gusto din ba sayo si Doc Dylan?" natawa naman ako sa sinabi nya.

"Tumatawa ka na naman. Curious lang ako, sabi mo nga lagi kang nasa bahay nila tuwing weekend. Tsaka mukhang close talaga kayo, natulog na nga kayo sa isang kwarto ng magkasama eh. Tsk."

"Wala syang gusto sakin. Magkaibigan lang talaga kami, tsaka kung hindi dahil sa kapatid nya di naman sya magkakainteres na kaibiganin ako eh."

"Eh ikaw ba? Wala kang nararamdaman sa kanya?"


"Bakit mo ba tinatanong yan? ---Wala, hindi ko sya trip." tumawa nalang ako.

"So ako trip mo ganun?" sabi nya habang tumatawa.

"Hindi rin." sabi ko at tumayo na.

"Tara na nga." sabi ko at nauna nang maglakad. Sumunod rin naman sya at inakbayan ako.

***

Nakabalik na kami dito sa probinsya namin pero sabi nya may gusto daw syang puntahan pa, maaga pa naman. 5pm palang at maliwanag pa.

Huminto ang sasakyan nya sa paanan ng isang burol. Sa tuktok ng burol eh may puno at isang bench. Lumabas kami ng kotse, naunang maglakad si Connor paakyat ng burol. Inabot nya naman ang kamay nya sakin kaya hinawakan ko yun at magkahawak-kamay kaming umakyat ng burol. Pagdating sa tuktok eh namangha ako sa nakita ko. Kita mula dito ang buong probinsya. Napakaganda..

"Ang ganda..." sabi ko naman.

"Oo..Maganda ka talaga." Tiningnan ko naman sya at hinampas. Nakakainis talaga minsan yung mga hirit nya eh.

Tumawa naman sya at umupo dun sa bench. Umupo na rin ako dun at pinanood namin ang sunset. Mahilig pala sya sa mga ganitong setting, yung sabay na nanonood ng sunset. Haha. Pero romantic naman kahit papano.

Hinawakan nya ang kamay ko at pinaglaruan yun.


"I really like you Khaly." napatingin naman kami sa isa't isa nung sinabi nya yun. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Hinawi nya yung buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko. Hinawakan nya ang mukha ko at tiningnan ako sa mga mata. Dahan-dahan nyang nilapit ang mukha nya sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung pipigilan ko ba sya o ano--- pero hindi ko inasahan ang ginawa nya. Hinalikan nya ako----- sa ilong at sa noo. Humiwalay sya sakin at nginitian ako.

"I'll take it slowly. Ayokong biglain ka na naman baka makawala ka pa."

If We Could Be (F4-inspired)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon