Chapter 15

5 1 0
                                    

Ilang araw na ang nakakaraan simula nung confrontation namin kay Doc Connor. Maayos naman kami sa trabaho, bumalik na sya dun sa dating pakikitungo nya sakin nung magsimula ako dito sa ospital. He's being casual & distant. Mabuti nalang din toh, mas sanay kasi ako na ganun sya sakin.

Si Dylan naman ayun--- ewan ko dun. Parang wala yatang ibang plano sa buhay nya. Hindi na kaya sya bata, kelangan na nyang humanap ng girlfriend sabi nga ni Audrey. He's already 27, wala ba syang balak humanap ng mapapangasawa? Mas naiistress pa ako kesa sa kanya eh. Gusto nya yatang tumandang single eh o baka balak nyang mag-asawa kapag nasa 30's na sya? Gosh! Paano sya makakahanap kung hindi sya naghahanap tsaka napakasuplado nya pa sa mga babae. Kung hindi ko lang toh kilala baka isipin ko ng bakla sya. Well, naisip ko nga rin naman yan nung una pero nagbago na ngayon. Kaya lang baka magduda ulit ako dahil sa trip nya sa buhay nya.

"Huy!---anong iniisip mo?" nagulat ako kasi pinatong nya yung in-can coffee sa ulo ko. Inalis nya naman agad yun at inabot sakin.

"Wala!" sabi ko nalang. Nasa quarters kami ngayon. Napagpasyahan kong mag-overtime para naman makabawi ako dun sa absent ko nung nakaraan. Binuksan ko yung can at ininom yung laman. Umupo naman si Dylan sa upuan sa harap ng table ko.

"Inaantok ka na? First time mo bang mag-overtime?"

"Hindi naman." sabi ko at uminom ulit.

"Ba't ka tulala?"

"Naisip ko lang kasi--- bakit ba wala ka pang girlfriend?" natigilan si Dylan sa sinabi ko at mayamaya eh nakabawi naman sya at tumawa.

"Seriously? Yan ang iniisip mo?"
I nodded. Tumawa ulit sya.

"Nahahawa ka na kay Audrey. You should stop hanging out with each other."

"Tch. Eh curious lang naman ako eh. Baka naman--- are you---uhhmm--somehow---are you---"

"I'm not gay Khaly." sabi nya habang seryoso na ang mukha.

"Eh bakit nga? I mean--- haven't you courted anyone before?"

"I did ofcourse, pero ganun talaga hindi kami nagtatagal ng mga naging girlfriends ko."

"Ilan na ba naging girlfriend mo?"

"Hmmm---- seven I guess, if I'm not mistaken."

"Ilang taon yung pinakamatagal?"

"It's not years, months lang. My longest girlfriend was about 11 months."

"What?! Hindi mo manlang pinatagal ng 1 year?"

"Hindi naman ako ang nakikipagbreak eh, I always give the girls the previlege to break up with me. I just give them reasons para sila na mismo ang makipaghiwalay."

"You're unbelievable."

"What? It's the right thing, nakakasakit ng ego ng babae kapag sila ang hinihiwalayan. Sila ang umo-o, sila din dapat ang umayaw. Di ba babae naman talaga dapat ang makipaghiwalay sa lalake?"

"Seriously? Oh eh ano namang mga reasons ang ibinibigay mo para hiwalayan ka nila?"

"I remember them saying na nagiging cold daw ako sa relationship & that I don't give a damn kung ano na ang pinaggagawa nila sa buhay nila. I don't even bother to text or call them, it's like I'm showing that I've lost my interest in the relationship. And why are we even talking about my lovelife in the middle of the night?"

"Tch. Curiousity kills the cat. Atsaka, alam mo nga ang nangyayari sa lovelife ko eh patas lang na sabihin mo rin sakin yung experiences mo."

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now