Chapter 8

6 1 0
                                    

Nasa ospital na kami ngayon ni Dylan. Busy sya sa mga pasyente nya, dahil tapos na ako sa rounds ko para ngayong umaga eh nagreview nalang ako at nagbasa ng libro. Tinitake note ko yung mga hindi ko maintindihan, sabi kasi ni Dylan tutulungan nya daw ako sa pagrereview mamaya kapag tapos na syang asikasuhin ang mga pasyente nya.

"Kelangan mo ng tulong?" napatingin naman ako sa nagsalita, si Doc Connor pala. Umupo sya sa chair sa harap ng table ko, napatingin naman ako kay Doc Darcy. Nakatingin din sya samin pero umiwas agad sya ng tingin nung lumingon ako sa kanya.

"Ahh. Hindi doc, okay lang ako."

"Sigurado ka?--- gusto mong samahan ako sa rounds ko mamaya?"

"Ahh--gusto ko sana kaso may pinapagawa kasi si Doc Dylan sakin mamaya." napakasinungaling mo Khaly! Sorry naman eh kasi ayoko lang naman na dumikit masyado dito kay Doc Connor eh. Ewan ko ba, nitong mga nakaraang linggo kasi nag-iba yung pakikitungo ni Doc sakin. Ayoko namang mag-assume ng kung ano, pero mabuti na yung umiwas nalang ako kasi alam ko pa namang may gusto si Doc Darcy kay Doc Connor. Nakuu!

"Ganun ba? ---sige, sabay nalang tayong maglunch mamaya."

"Ah, ano---kasi doc, sasabay din kasi si Doc Dylan sakin sa lunch." eto totoo toh, nagkasundo kami kanina ni Dylan na aantayin ko syang matapos para sabay kaming maglunch.

"Edi sabay nalang tayo. Bakit ba pansin ko parang close na kayo ni Doc Dylan?"

"Ha?---ahh..."

"Wala lang yan Connor, ikaw masyado kang ususero." sabi bigla ni Doc Darcy.

"Curious lang naman ako, baka kasi may hindi tayo alam."
Ngumiti ako ng pilit.

"Eh ano naman? Buhay naman nila yan eh. Di ba Khaly? Kung close sila--edi ano ngayon? Hindi naman siguro makakaapekto yun sa trabaho, unless affected ka?" sabi ni Doc Darcy. Kumunot naman ang noo ni Doc Connor.

"Ahh---haha, sige doc--- punta muna ako sa nurse station ah?" pagpapaalam ko at dali-daling lumabas ng quarters. Ano daw yun? Parang may namumuong tensyon sa kanilang dalawa, ayokong masali dun. Myghaad!

Nabitawan ko naman yung dala kong libro dahil sa gulat nung may makabangga ako. Nabitbit ko pala yung librong binabasa ko.

"Shit." lumabas nalang bigla yun sa bibig ko.

"Khaly?---okay ka lang?" sabi ni Darren at pinulot yung libro ko, inabot nya naman sakin yun.

"Ha?---oo, okay lang ako."

"Namumutla ka ata? Para kang nakakita ng multo. Haha."

"Nagulat lang ako Darren."

"Sa'n ka ba pupunta? Bakit parang may tinatakbuhan ka?"

"Ahh---hinahanap ko si Dylan---este si Doc Dylan. Nakita mo ba sya?"

"Baka nasa mga wards pa, bakit?"

"M-may kelangan lang ako. Sige, mamaya nalang.."

"Teka---kumain ka na? Sabay na tayo?"

"Ahh---ano---kasi--aantayin ko pa si Doc Dylan." Kumunot ang noo nya, parang takang-taka sya sa sinabi ko.

"Sabay kayong maglalunch?"

"Ah--oo, m-may kelangan din kasi ako sa kanya."

"May hindi ka ba sinasabi sakin Khaly?"

"Ha?---wala naman, ba't mo naitanong?"

"Wala kang sasabihin?"

"Hmmm..wala." Napabuntong-hininga si Darren sa sagot ko. Ano namang sasabihin ko sa kanya? Na close na kami ni Dylan, na natutulog ako sa bahay nila ganun? Hell no.

If We Could Be (F4-inspired)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora