Chapter 1

9 3 0
                                    

"Alis na ako ma!" pagpapaalam ko kay mama at sinuot na ang helmet ko. Pinaandar ko na ang aking scooter para makapunta na sa ospital.



Nadaanan ko yung bagong bahay at wala na doon yung kotse, pero pansin ko na mukhang tapos na ang paggawa sa bahay. Wala itong gate kaya kitang-kita ang kabuohan. Nilagpasan ko na iyon at tinungo na ang highway papunta sa ospital.




"Good morning doc!" bati sakin ni Darren, isa sa mga kaibigan ko. Nurse na sya dito sa ospital, samantalang ako eh intern palang sa pagiging doctor.



"Good morning darren." pumasok na ako sa station namin at nilapag ang mga gamit ko sa table ko.


"Nakatulog ka ba ng maayos? Para kasing puyat ka eh?"


"Nagreview ako kagabi, pero wag kang mag-alala nakatulog naman ako. Ginawa mo na ba yung rounds mo?" tanong ko kay darren habang sinusuot ang lab-gown ko.



"Yeah. Kakatapos ko lang. Chineck ko din yung mga pasyente mo, napainom ko na ng gamot."


"Salamat, anjan na ba si Doc Lily?"



"Oo, nasa office nya ata. Tsaka balita ko din may bago tayong resident doctor."


"Talaga? Wala namang nasabi si doc eh. Kelan daw darating?"


"Baka bukas pa---"

"Good morning guys!"

"Good morning Doc Ian." bati namin sa isa sa mga kasama naming resident doctor dito.

"Andito ka na naman Darren. Ugali mo talagang puntahan lagi si Khaly noh? Isumbong kita sa head nurse eh." Tumawa naman ng bahagya si Doc Ian. Nasa mga mid 30s na itong si doc ian at may dalawa na rin syang anak, kaya para na namin syang tito dito.

"Si doc talaga oh, wag naman po. Sadyang namimiss ko lang lagi tong kaibigan ko."

"Oo na sige na. Kayong dalawa talaga."

"Oh? Andito na pala kayo? Ang aga natin ah?" Bungad na bati samin ni Doc Darcy. She's 28 years old, isang taon palang syang resident doctor dito. Dito rin sya naging intern noon tulad ko ngayon. Para ko na syang ate, sya parati ang kasama ko tuwing free time. Tinutulungan din nya ako sa pagrereview at sa mga kelangang gawin dito sa ospital.

"Good morning ate dars!" bati ni Darren sa kanya.

"What so good about the morning darren kung andito ka na naman sa quarters namin? Aber?"

"Si ate naman oh." Oh and I almost forgot, magpinsan sila ni Darren.

"Che! Bumalik ka na nga sa nurse station. Ang aga-aga eh gumagala ka na! Chupi na dun, wag mo munang guluhin si Khaly marami pa kaming gagawin. Gooo!" pagtataboy ni Ate darcy kay Darren.

"Oo na, oo na. Alis na ako Khaly, mamaya nalang ulit. Doc Ian! Bye ate dars!" sigaw ni Darren at umalis na nga.

"Kumusta ang pagrereview mo Khaly?" tanong ni Doc Darcy.

"Maayos naman po doc. Pero may mga parte na di ko pa maintindihan eh, magpapatulong sana ako mamaya?"

"Sure Khal. O sya sige, mamaya nalang. Gawin ko muna yung rounds ko ah? May ididischarge kasi akong pasyente ngayon. Ikaw? Nakapagrounds ka na ba?"

"Uhm..mamaya pa doc, mga bandang 9am kasi yung sched ng rounds ko. Sya nga pala doc, sabi ni Darren may bago daw tayong resident doctor?"

"Ahh oo..Di ko ba nasabi sayo last week? Bukas ang start nya, but mind you hindi lang sya basta resident doctor. Sya yata yung papalit kay Doc Lily as head ng team natin. Hindi pa nga lang ako sigurado."

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now