Chapter 25

6 0 0
                                    

Andito kami ngayon sa kwarto ni Audrey dahil weekend nga ngayon eh dito na naman ako matutulog sa kanila. Hindi ko pa nasasabi sa kanya yung tungkol samin ni Connor. Actually, wala pa talagang nakakaalam ng tungkol samin. Si Audrey palang ang sasabihan ko ngayon.

"Audrey?"

"Yes ate?" sabi nya habang inaayos yung unan at kumot nya sa kama. Nung matapos sya eh umupo sya sa may headboard ng kama ako naman eh umupo sa may gilid.

"I have something to tell you."

"Ano yun ate?" nakatingin lang sya sakin.

"Naalala mo si Doctor Connor?"

"Yes, why?"

"Uuhmm--- he's ---he's my boyfriend now." nanlaki ang mga mata ni Audrey dahil sa sinabi ko.

"WHAT?! Oh my gosh! May boyfriend ka na ate?" masyadong napalakas ang boses ni audrey kaya sinaway ko sya.

"Sssshh-- you're too loud audrey."

"Tell me about him ate--- how did he became your boyfriend? Is he better than kuya Darren & Kuya Dylan? Is he handsome? Is he nice? HOOOWWW???" Natawa naman ako sa sobrang hyper ni audrey. Maypa lundag-lundag pa sya sa kama tsaka pahampas-hampas sa unan nya.


"Well he's handsome, yes. He's nice too, and he makes me happy Audrey." nginitian ko sya.

"I really thought you'll end up with my Kuya Dylan. Haayy, but it's okay as long as that Doc Connor makes you happy Ate---I'll be happy for you too. Congratulations Ate Khaly!" sabi nya at lumapit sakin para yakapin ako. Niyakap ko rin naman sya ng mahigpit.

"Alam mo bang ikaw ang unang sinabihan ko na may boyfriend na ako?" tumawa ako at humiwalay sa yakap namin.

"Really? So hindi pa alam ni Kuya Dylan?" Tumango ako.

"Ikaw palang talaga ang sinabihan ko. You're that special to me Audrey. Kaya naman, dapat ako rin ang unang makaalam kapag may boyfriend ka na ah?" pagbibiro ko sa kanya.

"Ate naman eh. You know I'm still too young for that."

"I know, I was just saying." ginulo ko ang buhok nya.

"Anyway, thank you ate for letting me know first. I really feel so special right now. I love you ate Khaly!" niyakap nya ulit ako.

"I love you too Audrey. Tara na sa labas?" Humiwalay na sya at tumango bago kami lumabas ng kwarto nya.

***

Nakatulog na naman si Audrey habang nanonood kami ng movie kaya hinatid na sya ni Dylan sa kwarto nya.

Kami nalang dalawa ni Dylan ang andito sa living room as usual.

"You have something to say?" tanong nya bigla sakin.

"Kilalang-kilala mo na talaga ako ah." sabi ko at tumawa.

"You're so easy to read Khaly. So spill it."


"Sinagot ko na si Connor."

"That's good." yun lang ang sinabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ka man lang nagulat?"

"Alam ko namang sasagutin mo talaga sya eh. Kagaya nga ng sinabi ko, you're so easy to read."

"Tch." Inirapan ko nalang sya.

"Alam na ni Audrey?" tanong naman nya ulit.

"Yeah. I told her first."

"Anong sabi nya?"

"She said she's happy for me, she congratulated me. Atsaka di rin nawala yung whining nya about sating dalawa. She really wants us to end up together."

"She wouldn't be Audrey if she doesn't insist that. Siguro nga kahit may sarili na tayong boyfriend at girlfriend eh hindi pa rin sya titigil sa pag-iinsist na maging tayo."

"Number one shipper yata sya ng loveteam natin eh." Tumawa ako.

"Oo loveteam natin na sya lang ang may gawa. Tch. She needs to grow up para maintindihan nya na hindi ganun kadali ang lahat."

"I think she knows that already Dylan. Nagcongratulate sya sakin, and she said if I'm happy with Connor then she'll be happy for me too. She grew up well."

"Marami pa rin syang dapat malaman. Anyway, sana maging masaya kayo ni Doc Connor. Wag sana kayong maghihiwalay ng maaga." Tumawa naman sya kaya tinapon ko sa mukha nya yung hawak kong unan.

"Tch. Ewan ko sayo, bwisit."

"Joke lang, pero pano nga pag dumating ang araw na naghiwalay kayo?"

"Hindi ko alam. Tsaka, bago pa lang kami gusto mo na agad isipin ko yung paghihiwalay? Wow ha? Napakasupportive mong kaibigan."

"Posible naman kasi yun."

"I know pero ayokong isipin yun ngayon noh. Tsk."

"Okay, okay fine. Chill Khaly." Tumawa sya kaya inirapan ko nalang sya.

"Hindi ba magagalit si Doc Connor na nagpupunta ka dito samin? Kayo na di ba? Baka pagselosan pa ako nun."

"Hindi, alam naman nyang di ikaw ang pinupuntahan ko dito eh."

"Boys are boys Khaly. You can't expect us to just stay still kapag alam naming may ibang lumalapit sa babaeng gusto namin. Kahit pa sabihin mong magkaibigan lang tayo, magdududa at magseselos pa rin yun."

"Eh anong gusto mong gawin ko? Tsaka wala naman syang sinasabi eh."

"Kasi nga bago palang kayo. Pano pagpinagbawalan ka na nyang pumunta dito? Anong gagawin mo?"

"Hindi nya gagawin yun."

"Sigurado ka jan ah?"

"Pwede ba Dylan? Drop the topic. I'll deal with that kapag dumating na, sa ngayon hindi pa naman nangyayari yan kaya wag na nating pag-usapan."

"Alright, sorry about that. Pero may gusto pa akong itanong sayo."


"Ano yun?"

"Sinabi ba nyang mahal ka nya?"

"Oo, sinabi nya."

"Mahal mo ba sya?" natigilan naman ako sa tanong nya. Mahal ko ba si Connor? Gusto ko sya pero---mahal? Hindi ko alam. Hindi ako nakasagot sa tanong ni Dylan.

"Malaking problema yan." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"I- I like him.." yun lang ang nasabi ko.

"Alam mong magkaiba ang like sa love Khaly. Maski si Audrey alam yan. Tsk."

"Ba't mo ba akong tinatanong ng ganyan? Tch."

"Gusto ko lang iconfirm ang nararamdaman mo..Hindi mo magawang sabihin na mahal mo sya---- wag mong sabihing si Darren pa rin?"

"Hindi! Ano ba---nakamove-on na ako sa kanya, tsaka masaya na yung tao. Hindi na dapat ako umasa, I should be happy too right? Deserve ko naman siguro yun kahit papano."

"Alright. Sana lang masagot mo si Doc Connor kapag tinanong ka nya kung mahal mo sya."

Mali na naman ba ako sa naging desisyon ko? Pero gusto ko si Connor, masaya ako kapag kasama ko sya. Nakakalimutan ko si Darren dahil sa kanya. Gusto ko lagi ko syang kasama, tsaka pinaparamdam nya sakin na mahal nya ako at mahalaga ako sa kanya at masarap sa pakiramdam yun. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Pano nga kapag tinanong nya ako? Tch.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now