Chapter 12

5 1 0
                                    

Nagising ako na nasa kama na ni Audrey, wala na sya sa tabi ko baka nagising na at nasa baba. Ang alam ko nakatulog ako sa sofa kagabi habang nanonood ng movie, tapos nagising na naman ako na nasa kwarto na ni audrey.

Tinali ko nalang yung buhok ko at pumasok sa cr dito sa kwarto ni audrey para maghilamos. Pagkatapos eh bumaba na ako sa sala ng bahay nila, wala sila dun kaya dumiretso ako sa kusina at andun nga yung dalawa.

"Good morning ate! Breakfast is ready!" sigaw ni audrey na nasa harap na ng hapagkainan.

"Umupo ka na, kakain na tayo." sabi naman ni Dylan. Kaya umupo na rin ako kaharap ni Audrey. Nilapag na ni Dylan yung pagkain sa mesa at umupo na rin. Nagpray muna si audrey bago kami nagsimulang kumain.

"Ate Khaly? --aabsent ka ba sa work mo ngayon dahil sakin?" tanong bigla ni Audrey habang kumakain kami.

"Hindi Audrey---"

"Wag ka nalang magtanong Audrey, ang importante eh makakasama mo ngayon si Khaly. Di ba yun naman ang gusto mo?"

"Ofcourse kuya, pero kasi ayoko namang umabsent lang si Ate sa trabaho para sakin."

"Hindi sya aabsent dahil sayo---there's another reason but you don't need to know. Okay?---kaya wag ka nang masyadong magtanong." sabi ni Dylan.

"Alright." mabuti nalang at madaling kausap tong si Audrey.

"But you're going to work now kuya right?" Nagnod si Dylan habang sinusubo ang pagkain nya.

"Kelangan kong pumasok sa trabaho." sagot ni Dylan.

"When can we spend time together during the day? Parati nalang tuwing gabi tayong nagbobonding kuya."

"Maybe next time Audrey. Ipapamove ko nalang ang day-off ko during weekend."

"Ate Khaly too?"

"I'll try next time Audrey." sagot ko nalang.

"Okay!"
sabi ni Audrey at tinapos na ang pagkain nya. Tumayo sya para ilagay sa sink yung plato nya at uminom ng tubig.

"I'll just play with Riri at the living room." pagpapaalam nya at tumakbo na papunta sa sala kaya naman naiwan kami ni Dylan sa harap ng hapagkainan.

"Dylan?--- sigurado kang okay lang na umabsent ako?"

"Don't worry---kung nag-aalala ka sa trabaho mo ako ng bahala dun. Itext mo nalang si Doc Ian na hindi ka makakapasok ngayon."

"Pano kung tawagan ako ni Doc Connor mamaya?"

"Turn off your phone."

"Parang masyado naman yatang halata na iniiwasan ko sya nyan."

"Edi sagutin mo nalang kapag tumawag sya, sabihin mo masama ang pakiramdam mo."

"Hay, alright." binaling ko nalang ang atensyon ko sa pagkain.
Nagulat ako kasi pinitik na naman nya ang noo ko. Napahawak ako dun para himasin dahil ansakit nya talagang pumitik.

"Ano ba! Nakakahiligan mo nang pitikin ang noo ko ah. Masakit kaya!"
Tumawa naman sya.

"Wag ka na kasing mag-alala. Just enjoy this day."

"Oo na nga di ba? Tch."

****

Kanina pa nakaalis si Dylan papuntang trabaho. Hinihintay ko naman si Audrey sa sala nila dahil nag-aayos pa sya, pupunta kami ngayon sa bahay. Nagmessage na ako kay Doc Ian na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko, sorry doc. Promise papasok na ako bukas!

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now