Chapter 19

6 0 0
                                    

"Doc Darcy? Pwede ba akong magpatulong dito sandali? Di ko kasi masyadong naiintindihan ang parte na toh eh." sabi ko kay doc darcy at pinakita sa kanya yung part ng libro na binabasa ko.

"Pasensya na Khaly ah pero may gagawin pa kasi ako. Kay Connor ka nalang magpatulong---"

"Ah sge doc--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng tawagin ni Doc Darcy si Connor na papasok palang ng quarters.

"Connor! Magpapatulong daw si Khaly, iexplain mo sa kanya yung parteng di nya maintindihan sa librong binabasa nya." Parang nagulat pa si Connor sa sinabi ni Doc Darcy pero ngumiti din naman sya kalaunan.

"Oh sige, walang problema." sabi nya at tiningnan ako kaya napaiwas ako ng tingin at bumaling kay Doc Darcy, tumayo naman si doc bitbit yung mga charts at akmang lalabas ng quarters.

"Pero doc---" bulong ko kay Doc Darcy.

"Okay! Ikaw nang bahala. Sige labas muna ako, busy pa ako." Kinindatan ako ni Doc Darcy bago sya lumabas ng quarters kaya naiwan kaming dalawa ni Connor dito. Nakatalikod ako sa kanya. Napabuntong hininga naman ako. Napapitlag ako nung hawakan nya ang balikat ko, napaharap naman ako sa kanya bigla habang hawak ang librong binabasa ko kanina.

"Saang parte ba ang hindi mo maintindihan?" Pinakita ko naman agad sa kanya ang libro at tinuro yung parteng gusto kong maexplain sakin ng maigi. Kumuha sya ng upuan ganun din ako at nagsimula na sya sa pag-eexplain. Nagtitake notes naman ako sa mga kelangan kong tandaan. Habang nagsusulat ako eh nagkikinig ako sa kanya habang nagsasalita sya. Kaya lang napatigil ako sa pagsusulat nung mapansin kong tumigil sya sa pagsasalita. Napatingin naman ako sa kanya at natigilan ako dahil nakatitig din pala sya sakin kaya napaiwas agad ako ng tingin at bumaling ulit sa sinusulat ko.
Narinig ko namang tumawa sya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Bakit ka tumatawa?"

"Masaya lang ako." sabi nya habang nakangiti.

"Ha?--bakit naman?"

"Eh kasi ganito tayo kalapit." tinitigan nya ako kaya napaiwas agad ako ng tingin. Bwisit. Ba't ba ako kinakabahan ng ganito? Hindi na normal toh. Tsk.

"Ah--ano nga ulit toh dito?" Turo ko dun sa libro para maiba yung usapan. Natawa naman sya at nag-explain nalang ulit. Nakakainis! Ba't ba tawa sya ng tawa? Ang saya nya ah? Samantalang ako hindi na mapakali dito dahil sa kabang nararamdaman ko. Aish.

***

Pauwi na ako ngayon. Nagpaalam na ako sa mga kasama ko sa quarters para makaalis na.

"Samahan na kita sa parking lot." sabi ni Connor. Hinabol nya ako nung makalabas na ako sa quaters kaya wala na akong nagawa nung sabayan nya ako palabas ng ospital. Nung makarating kami sa parking lot eh nakita kong napatingin sya sa langit.
Kaya naman tinawag ko sya.

"Connor? Ah. Sige pumasok ka na. Uuwi na ako."

"Mukhang uulan, hatid nalang kita baka maabutan ka pa ng ulan sa daan eh."

"Hindi na, ayos lang ako. Sige salamat." sabi ko at sinuot na ang helmet ko. Sumakay na ako sa scooter ko at pinaandar yun. Nagwave ako sa kanya bago umalis.

"Teka--Khaly!"

"Una na ako!" sigaw ko sa kanya bago tuluyang makaalis.

Hindi pa ako nakakalayo sa ospital eh pumatak na nga yung ulan. Aish. Kung minamalas ka nga naman. Tsk. Medjo binilisan ko nalang ang pagpapatakbo sa scooter ko para makarating ng mabilis sa bahay kaya lang nagulat ako nung may biglang tumawid na tao sa kalsada. Nailiko ko yung scooter ko at dahil madulas ang daan eh natumba ako.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now