Chapter 23

4 0 0
                                    

Next week na ang alis ni Darren papuntang Canada. Nagsubmit na rin sya ng resignation letter sa ospital kaya hindi na sya pumasok ngayon. Sobrang bilis lang ng tatlong buwan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pagkakataong toh. Si Dylan lang ang may alam ng lahat. Nang tungkol sa nararamdaman ko kay Darren, ganun din kay Connor. Nalilito kasi talaga ako sa nararamdaman ko eh. Sinasabi ko kay Dylan ang lahat, parang sya na nga ang bestfriend ko eh kasi alam nya ang nangyayari sa buhay ko. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon ko. Oo nga at matagal na kaming magkaibigan ni Darren tsaka close din kami masyado kaya lang di ko naman pwedeng sabihin ang nararamdaman ko sa kanya. Di ko kaya noh, pero nasasabi ko naman sa kanya ang tungkol kay Connor eh. At aaminin ko rin, simula nung maging malapit kami ni Connor eh parang nag-iba na rin yung nararamdaman ko kay Darren pero di ko pa rin maiwasang malungkot dahil nga aalis sya. At si Dylan? Sya lang ang nasasabihan ko ng lahat ng yan. Kasi pure friendship lang naman talaga ang meron kami at nilinaw na namin yun sa isa't isa kaya naman kumportable akong sabihin sa kanya lahat ng nangyayari sa buhay ko.

"So ano? May balak kang sagutin si Doc Connor?" tanong nya sakin.

"Pinag-iisipan ko pa."

"Wag mo nang patagalin yan. Kung wala kang balak edi bastedin mo na sya, kung gusto mo naman sya edi sagutin mo na."

"Tch. Eh hindi naman sya nagtatanong eh."

"So may balak ka ngang sagutin sya? Hmm..Hindi na masama, baka mangyari nga yung target mong ideal age para magpakasal. I think Doc Connor wants to settle down with you."

"Ay, ewan." sabi ko nalang kasi totoo naman talagang ewan. Hindi ko na alam, tapos aalis na si Darren next week. Panigurado iiyak na naman ako. Tch.

"May nararamdaman ka pa rin ba kay Darren?"


"Hindi naman basta-basta mawawala yun eh. Mahalaga sya sakin, pero kung di naman talaga sya para sakin di ko na ipipilit ang sarili ko noh. Tsaka--- masaya ako kapag kasama ko si Connor. Nakakalimutan ko na may Darren pala sa buhay ko."

"I think that's healthy. Kaya naman magdesisyon ka na habang maaga pa." tumango nalang ako. I like having this kind of conversation with Dylan. Hindi ko kelangang itago ang nararamdaman ko kapag sya ang kausap ko. I'm glad I found a friend like him, sana mahanap na rin nya ang babae para sa kanya.


***

Niyakap namin ni Darren ang isa't isa ng napakahigpit. Andito kami sa airport ngayon kasama ang pamilya nya to send him off. Aalis na sya ngayon papuntang Canada at umiiyak ako ngayon dahil mamimiss ko sya. Pero alam ko namang magiging masaya sya dun kasama ang girlfriend nya eh.

Humiwalay na kami sa yakap, tiningnan nya ang mukha ko at pinahiran ang mga luha ko.

"Wag ka nang umiyak, babalik pa naman ako dito eh. Tsaka hindi bagay sayo ang umiyak para kang bata." Tumawa sya kaya tumawa na rin ako habang pinapatigil ang sarili ko sa pag-iyak.

"Mag-iingat ka dun ah. Tsaka keep in touch baka naman biglang hindi na kita macontact pag-andun ka na."

Tumawa sya dahil sa sinabi ko.

"Syempre naman Khaly. Wag kang mag-alala, aalagaan ko ang sarili ko pati na si Jennie. Alagaan mo rin ang sarili mo ah? Balitaan mo ko lagi sa buhay mo, maliwanag ba?"

"Oo na.." sabi ko. Ginulo nya yung buhok ko at niyakap ulit nya ako.

"Mamimiss kita Khaly."

"Mamimiss din kita. Mamimiss ka namin." sabi ko at humiwalay na sa yakap.

"Sige aalis na ako." nagpaalam si Darren sa pamilya nya, andito din si Doc Darcy kasama namin. Lumabas lang kami sandali ng ospital para ihatid si Darren dito sa airport. Sabay na rin kaming babalik.

If We Could Be (F4-inspired)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon