Chapter 17

5 0 0
                                    

Nagpunta kami ni Audrey at Dylan sa isang Adventure Park dito sa probinsya. May trampoline, zipline at kung anu-ano pang adventure games. Nag-enjoy naman kami sa paglalaro atsaka napagod din at the same time.

Pagkatapos naming masubukan halos lahat ng games dito eh napagpasyahan naming magpicnic sa park nila dito. Buti nalang at pinaghandaan pala ni Dylan tong outing naming tatlo.

Kumakain kami ngayon, nakaupo lang kami ni Dylan habang si Audrey naman eh nakahiga at nakapatong ang ulo sa lap ni Dylan. Mukhang napagod talaga sya, kumakain sya ng apple habang nakahiga.

"Nag-enjoy ka ba Audrey?" tanong ko sa kanya at sinubo yung isang grape.

"Yes mommy khaly, this is the best day ever!" pinanindigan talaga ni Audrey ang pagtawag samin ni Dylan ng mommy at daddy buong araw. Akala nga ng mga nakasalumaha namin kanina eh pamilya talaga kami.

"Hindi ka ba napagod?" tanong naman ni Dylan.

"Just a bit, I just need to rest for a while dad. Oh! I almost forgot!" Bumangon naman si Audrey at kinuha ang phone nya.

"Let's take a picture!" sabi nya.

"Again? Di ka yata nagsasawang magtake ng pictures ngayong araw ah?" Sabi ni Dylan. Buong araw din kasing hawak ni Audrey ang phone nya para kuhanan ng pictures lahat ng ginawa naming adventures.

"Ofcourse dad, this day is so memorable. Dapat madaming souvenirs."

"Alright Audrey." nagpicture na nga lang kami dahil yun nga ang gusto ni Audrey. Nakailang pose din kaming tatlo bago sya tumigil.

"I'll take a photo of you two." sabi nya at pumwesto sa harap namin ni Dylan. Nagkatinginan naman kami ni Dylan.

"Hindi ka pa pala tapos?" tanong ni Dylan.

"Sige na daddy! You're my mom & dad for today. You should also act like one." sabi ni Audrey.

Wala na nga kaming nagawa ni Dylan at pumayag nalang na kuhanan kami ng pictures ni Audrey.

"Closer please." magkadikit na kami ni Dylan. Nagulat ako kasi inakbayan nya ako bigla.

"Better!" sabi ni Audrey na para bang ang saya-saya nya sa nakikita nya.

"Mommy---can you put your head on Daddy's shoulder please?"

"Ha?---" hindi pa ako nakakasagot eh hinawakan na ni Dylan yung ulo ko para ipatong sa balikat nya.

"Pagbigyan mo na para matapos na toh." bulong nya sakin kaya wala na rin akong nagawa kundi ngumiti nalang sa camera.
Hindi yata ako nakapagprepare ng maigi na magkaanak at magkapamilya sa loob lang ng isang araw. Pero-- hindi na masama, naging masaya naman ang araw na toh eh.

****


Natapos ko na ang rounds ko sa araw na toh. Habang naglalakad pabalik sa quarters eh nirereview ko yung charts ng mga pasyente ko.

Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Darren na makakasalubong ko pa lang. Nung magkalapit kami eh tinawag ko sya.

"Uy Darren?" tinanguan nya lang ako at nilagpasan. Teka--- ano yun?
Yun lang ang bati nya sakin? May problema ba sya? Galit ba sya? O ano?

Napaisip naman ako sandali bago ko naisipang habulin sya.


"Teka Darren!" sabi ko nung maabutan ko sya. Hinawakan ko ang braso nya kaya naman napahinto sya sa paglalakad at napatingin sakin.

"Bakit?" walang gana nyang sabi. Bakit bigla-bigla syang umaakto ng ganto? May problema ba sya?

"May problema ba?" tanong ko sa nag-aalalang tono. Tinanggal nya ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso nya.

"Wala Khaly. Sige--" tatalikod na sana sya pero hinawakan ko sya ulit. Napabuntong-hininga naman sya at bumaling ulit sakin.

"Teka lang---"

"Pwede ba Khaly-- wala akong dapat sabihin sayo, hindi mo rin naman sinasabi ang nangyayari sa buhay mo eh. Kaya patas lang tayo." sabi nya. Galit ba sya sakin?

"A-ano bang sinasabi mo? Galit ka ba sakin?"

"Wag kang magkunwari na wala kang alam Khaly."

"Darren naman! Kung galit ka sabihin mo kung anong dahilan. May nagawa ba akong mali? Ano? Di kita maintindihan eh." Ano ba kasi ang pinupunto nya?

"Akala ko ba magkaibigan tayo Khaly? Di ba dapat sinasabi mo sakin ang nangyayari sa buhay mo? Bakit parang lumalayo na ang loob mo sakin? Bakit parang nawalan na ako ng parte sa buhay mo?"

"Darren---kaibigan kita, pero-- ano ba kasi ang problema? May gusto ka bang malaman? Sabihin mo?--- Iniisip mo ba na binabalewala kita? Wag ka naman sanang mag-isip ng ganyan, alam mo namang mahalaga ka sakin kasi kaibigan kita."

Huminga sya ng malalim. Parang gusto ko nang umiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Nakita ko kayo ni Doc Dylan kahapon."

"Ano?" Si Dylan? Kahapon?

"Papunta ako sa bahay nyo nun kahapon dahil day-off ko at nalaman ko din na nagday-off ka dahil sinabi sakin ni Ate Darcy. Pero, nung mapadaan ako dun sa bahay na malapit lang sa bahay nyo eh nakita ko kayo ni Doc Dylan. Naglilinis kayo ng kotse, may kasama kayong bata. At ang saya-saya nyong tingnan habang nagkukulitan. Sabihin mo nga sakin Khaly---may hindi ba ako alam?" Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi nya at sumandal sa pader. Nilagay ko yung isang kamay ko sa bulsa ng labcoat ko.

Tiningnan ko si Darren, nakatingin din sya sakin.

"Magkaibigan kami ni Dylan. Bahay nila yun, yung batang nakita mong kasama namin-- kapatid nya yun. Si Audrey, sya yung dahilan kung bakit naging malapit kami ni Dylan." Kumunot naman ang noo ni Darren dahil sa sinabi ko.

"Mukhang sobrang lapit nyo na nga ni Doc sa isa't isa."

"Pasensya na kung hindi ko nasabi sayo yung tungkol dito. Akala ko kasi di na importante pa kung sabihin ko man o hindi."

"Importante yun sakin Khaly, ikaw yung pinakamalapit kong kaibigan. Ayoko namang wala akong alam sa nangyayari sa buhay mo. Pero--- yun lang ba talaga? Malapit lang talaga kayo? Wala bang namamagitan sa inyong dalawa?" tumawa ako ng bahagya bago nagsalita.

"Wala Darren, hindi ako tumatalo ng kaibigan alam  mo yan." sabi ko. Oo, nasabi ko na yan kay Darren dati. Ayokong masira ang isang mabuting pagkakaibigan dahil sa nararamdaman ng isa.

"Oo nga pala. Yan pa rin pala ang paninindigan mo hanggang ngayon?" Tumango ako. May sasabihin rin pala ako sa kanyang isa pang mahalagang bagay.

"Gusto mong malaman ang nangyayari sa buhay ko di ba?" Tumango sya.

"Si Doc Connor.."

"Bakit?-- ano'ng meron kay Doc Connor?"

"Inaya nya akong makipagdate."

"May gusto sya sayo???!" Gulat na sabi ni Darren. Natawa naman ako sa kanya.

"Hindi ko alam Darren, wala naman syang sinasabi nya eh. Pero tinanggihan ko sya, maayos naman kami ngayon."

"Bakit mo sya tinanggihan? Ayaw mo ba sa kanya?"

"Hindi naman sa ganun." Tumango nalang si Darren.

"Yung tungkol nga pala sa pag-alis ko papuntang Canada." sabi nya kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Oh? K-kumusta na nga pala yun?"

"Malapit ko nang maayos lahat ng kelangan ko. Baka sa loob lang ng tatlong buwan eh makaalis na ako."

"Talaga? Mabuti naman kung ganun. Mag-iingat ka dun ah! Alagaan mong mabuti ang girlfriend mo."

"Syempre naman." sabi nya at nginitian ako. Mabuti naman at naayos din agad namin ni Darren ang gusot na toh. Pero di pa rin talaga maalis sa isip ko na aalis na sya sa loob lang ng tatlong buwan. Hayy.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now