Prologue

14 3 1
                                    


Nakamasid lang ako sa labas ng aming bahay. Tahimik at maaliwalas ang paligid. Tanging mga huni ng ibon ang maririnig at ang ingay galing sa paghampas ng hangin sa mga puno, maging sa malawak na maisan sa labas ng bahay.



"Khaly? Hindi ka ba papasok? Kanina ka pa jan ah?" narinig kong sigaw ni mama sa may pintuan.


"Mamaya na ma." sagot ko mula dito sa duyan sa may puno sa tapat ng bahay. Hindi na sumagot si mama at pumasok nalang sya ulit sa loob ng bahay.


Napabuntong hininga ako. Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Malawak ang lugar namin, kaunti lang ang mga bahay at medjo malayo sa isa't isa. Ganito talaga siguro kapag sa probinsya.



Napadako ang tingin ko sa di kalayuan, matagal ko nang napapansin ang bagong pinapagawang bahay sa gilid ng maisan. Halos katapat lang iyon ng bahay namin. Siguro ay mag-iisang buwan na iyong ginagawa at mukhang malapit na rin namang matapos. Hindi ko rin kilala ang may-ari nun dahil tuwing bakasyon lang naman ako nandito dahil sa aking pag-aaral sa siyudad.

I'm taking up doctor of medicine sa isang kilalang unibersidad. Huling dalawang taon ko na ito sa aking pag-aaral at kasalukuyan akong intern sa isang malaking ospital dito sa probinsya namin.


Naputol ang pag-iisip ko nang may makita akong paparating na kotse doon sa bagong tinatayong bahay. Siningkit ko ang aking mata upang maaninag ng mabuti ang mga taong lumalabas galing sa kotse. Lumabas sa driver seat ang isang lalake, sunod naman ay isang batang babae galing sa passenger seat sa harap ng kotse at dalawa pang babae galing sa likod. Pinagmasdan nila yung ginagawang bahay, ito siguro yung mga may-ari. Titira kaya sila jan? Ibig sabihin may bago kaming kapit-bahay?



"Khaly!!! Pumasok ka na nga dito at kakain na tayo ng tanghalian!" sigaw na naman ni mama kaya tumayo na ako sa pagkakaupo sa duyan at naglakad na papasok ng bahay.




"Ma? Kilala mo ba kung sino ang may ari nung bahay na ginagawa jan?"


"Ang alam ko eh Cortez ang apilyedo ng may ari jan. Ba't mo naitanong?" sabi ni mama habang nagsasalin ng kanin sa kanyang pinggan.


"Ah may dumating po kasi na kotse kanina, baka yun yung may-ari." Tumango naman si mama at nagsimula nang kumain.


"May bago pala tayo kapit-bahay kung ganun, sana ay mababait ang mga yan."

Ngumiti nalang ako at kumain na rin.






-----

Here's a bonus pic of Connor Leong to keep you going!

Here's a bonus pic of Connor Leong to keep you going!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Enjoy!

Vote, vote, vote!

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now