Chapter 24

4 0 0
                                    

Madalas naming pinagsasabay ang day-off namin ni Connor tuwing weekdays. Kaya naman madalas din kaming lumabas ng magkasama tuwing day-off. Tulad nalang ngayon, naisipan naming pumunta dito sa adventure park na pinuntahan namin nina Audrey noon.

Tulad ng huli kong punta dito eh nag-enjoy rin ako ng husto ngayon at the same time napagod din. Umupo kami ni Connor sa isang bench dito sa park nila para makapagpahinga. Inakbayan naman nya ako at biglang hinalikan sa noo, mabilis lang naman yun. Nasanay na ako sa pagkaclingy ni Connor, yung akbay, paghawak sa kamay, yakap tsaka yung halik sa noo at sa cheeks. Madalas nyang ginagawa yun, ewan ko rin ba pero hinahayaan ko syang gawin lahat ng yun. Masarap sa pakiramdam na ginagawa nya yun, feeling ko mahal na mahal nya ako.

Pinaglaruan naman nya ang kamay ko gamit yung isang kamay niya.

"Khaly?"

"Hmm?" sagot ko naman.

"Masaya ka ba kapag kasama ako?" napangiti ako sa tanong nya. Ayan na naman sya sa mga tanong na alam kong indirectly eh magsasabi ng nararamdaman ko sa kanya.

"Oo." sagot ko nalang ng di sya tinitingnan. Ramdam ko na nakatingin lang sya sakin, kaya naman tiningnan ko sya. Umiwas naman sya ng tingin at ngumiti. Ano yun? Haha. Wag mong sabihing kinikilig sya? Mukha syang ewan sa ngiti nya eh. Natawa nalang ako ng bahagya.

"Tara na?" sabi nya naman at tumayo bigla.

"Saan naman?"

"Basta." Inabot nya sakin ang kamay nya, hinawakan ko naman yun at tumayo na rin.

***



Andito na naman kami sa burol na pinuntahan din namin nung nakaraan. Favorite place nya ata toh eh. Nanood na naman kami ng sunset, eto talaga yung gusto nyang gawin parati eh. Nakaupo lang kami sa bench habang pinapanood ang papalubog na araw.

"Mahilig ka talagang manood ng sunset noh?" tanong ko sa kanya pero nakabaling pa rin ang atensyon ko sa araw.

"Oo, pero mas gusto kong panoorin ang sunrise. Favorite moments ko ang mga ganto lalo na kasama kita." Napatingin naman kami sa isa't isa kaya hinawakan ko ang mukha nya gamit ang isang kamay ko at ibinaling ulit yun sa harap. Pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti. Bwisit talaga sya, nadadale nya ako jan sa mga hirit nya. Narinig kong tumawa sya.

"Napangiti na naman kita. I'm happy to know na masaya ka sa tuwing kasama ako. Hindi ka nabobored, iniisip ko nga eh na baka gusto mo na rin ako." Kinabahan naman ako bigla sa sinabi nya. Baka kung saan pa mapunta ang usapan na toh kaya hindi ako nakasagot sa kanya. Nawala na yung araw sa paningin namin at dumidilim na rin dito.


Hinawakan nya bigla ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya, ibang iba yung kabang nararamdaman ko ngayon kumpara sa mga sandaling magkasama kami. Iba ngayon, hindi ko alam kung bakit. Tinaas nya ang kamay ko at hinalikan nya yun. Nakatitig kami sa isa't isa habang ginagawa nya yun. Ngumiti naman sya pagkatapos at ibinaba ang kamay ko.


"May kukunin lang ako sandali sa kotse." sabi nya at tumayo para bumalik sa kotse.

"Teka---madilim na di pa ba tayo aalis?"

"Mamaya na." sigaw nya at patakbong bumaba ng burol papunta sa kotse. Ano naman kaya ang kukunin nya? Binaling ko nalang ang atensyon ko sa tanawin ko sa harap. Maliwanag na ang buong probinsya.

Nagulat ako dahil biglang lumiwanag yung nag-iisang puno dito sa burol. Napatayo ako para tingnan yun. May mga lights yung puno, pero paano nangyari toh eh wala namang kuryente dito?

Pinagmasdan ko lang yun dahil namangha ako sa nakikita ko.

"Nagustuhan mo ba?" napatingin naman ako sa nagsalita at nakita si Connor na may hawak na bouquet ng sunflowers. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Napatulala ako sa kanya. Lumapit naman sya sakin, magkaharap na kami sa isa't isa. Ngumiti sya sakin, pero halata mong kinakabahan sya. Inabot nya sakin ang bulaklak na dala nya, kinuha ko naman yun.

"S-salamat." sabi ko. Hinawakan nya ang isang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko.

"Khaly? I don't wanna assume anything. Hindi ko alam kung bakit mo ko hinahayaang gawin ang lahat ng toh. Yakapin ka, halikan ka at hawakan ang kamay mo ng ganito. Gusto kong isipin na pareho tayo ng nararamdaman pero natatakot ako na baka mali na naman ako. You turned me down the first time I asked you out dahil hindi ko muna inalam ang nararamdaman mo. But I was so happy you gave me another chance to prove myself. Kaya naman ayokong iassume lang ang lahat, I wanted everything to be clear between us. I've been so vocal with my feelings for you, alam mo yan. Kaya naman gusto kong malaman ngayon kung may nararamdaman ka rin ba sakin...Miss Khalysse Demi Ocampo, will you please---please be my girlfriend?" 
Seryoso lang syang nakatingin sakin kaya naman nginitian ko sya.

"Akala ko di ka na magtatanong eh." sabi ko sa kanya at tumawa ng bahagya. Nagtaka naman sya sa sinabi ko pero napangiti din agad at napakamot sa batok nya.

"So--you're waiting for me to ask you?"

"Syempre---alangan namang umo-o ako ng hindi tinatanong di ba?" tch. Oo nga naman, edi para akong sira nun. Haha.

"So--it's a yes then? Tayo na? Girlfriend na kita?" sabi nya na halatang excited na excited kaya tumango nalang ako. Matagal ko na namang napag-isipan toh eh. Sabi nga ni Dylan di ba? Ba't ko pa patatagalin? Kaya heto na talaga.

"YES!" sabi nya at niyakap ako ng sobrang higpit. Natawa naman ako sa kanya at niyakap ko na rin sya habang hawak pa rin yung bulaklak sa isang kamay ko.

"Wala nang bawian ah?" sabi nya habang nakayakap pa rin kami.

"Oo na sabi. Tch." Humiwalay na sya sakin at hinawakan ang pisngi ko.

"So pwede na?" ngumuso naman sya. Langhiya! Ba't ba kelangan nya pang magtanong? Tinawanan ko lang sya at inirapan. Ngumiti naman sya at dahan-dahan nilapit ang mukha nya sakin.

"I love you Khaly." sabi nya bago ako hinalikan sa labi.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now