Chapter 39

3 0 0
                                    


Nadischarge na si Dylan sa ospital. Ako naman eh magsisimula ng magtrabaho dun sa ospital sa probinsya kung saan ako naging intern. Natanggap ako na bagong doctor doon kaya naman next week na ako magsisimula. Nasabi ko na rin toh kay Audrey at kay Dylan, masaya naman sila sakin pero medjo nalulungkot ako dahil di ko na mabibisita si Audrey ng madalas.



Inoobserbahan pa rin ngayon ng mga doctor ni Audrey ang naging resulta ng transplant. But she's doing fine, maayos naman daw ang pakiramdam ni Audrey yun ang sabi nya. So far wala namang naoobserved na complications sa operasyon pero maaga pa para magconclude na naging successful yung transplant.



Nasa bahay ako ngayon, ang alam ko rin eh inaasikaso ngayon ni Dylan ang business nila dahil medjo matagal syang nawala dahil nga sa pagkakaconfine nya sa ospital. Kumakain kami ngayon ni mama ng hapunan.



"Khaly? Kumusta na si Audrey?"
dumadalaw din si mama kay audrey paminsan-minsan dun sa ospital, dahil nga napalapit na rin sa kanya si Audrey eh nag-aalala din si mama para sa kanya.



"Ganun pa rin ma, inoobserbahan pa rin sya ng mga doctor dun para sa ginawang bone marrow transplant."



"Sana maging maayos na yung bata. Kawawa naman sya."


"Sana nga ma."




Matapos kumain eh nagpunta na ako sa kwarto ko. Tumunog naman bigla ang phone ko, tumatawag si Dylan.


"Hello?"


"Nasa labas ako ng bahay nyo, can you come out?"


"Ha?-- anong ginagawa mo dito?"



"Just come out." sabi nya kaya naman eh dali-dali akong lumabas ng bahay at nadatnan ko nga sya dun sa may duyan na nakatayo at nakasandal sa puno. Lumapit naman ako sa kanya.


"May kelangan ka?---" nagulat naman ako nung bigla nya akong niyakap.



"Namiss lang kita." hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko kaya hinayaan ko nalang syang yakapin ako. Ilang minuto din kaming ganun kaya naman nagsalita na ako dahil mukhang wala syang balak bitiwan ako.



"Dylan?--"


"Oh?"


"P-Pwede ka nang bumitaw." sabi ko sa kanya pero naramdaman ko na mas lalong humigpit yung yakap nya sakin.


"Ayoko." matigas na sabi nya. Ano bang trip nya sa buhay nya? Tch.



"Tch. Umuwi ka na, gabing-gabi na oh."



"Can I sleep with you?"



"Ano?!" Anong ibig nyang sabihin dun? Huy--khaly! Wag madumi ang isip. Aish! narinig ko namang tumawa sya.



"I mean, pwede ba akong matulog kasama ka sa kwarto mo? Matutulog lang tayo." natatawa pa rin sya.



"Tch. May bahay ka, dun ka matulog sa kwarto mo."



"Alright, pero samahan mo ko."



"Dylan..Pwede ba? Wala ako sa mood makipaglokohan sayo. Bitaw na nga, papasok na ako sa loob."



"Hindi ako nakikipaglokohan sayo Khaly." sabi nya at bigla akong binuhat, bridal style. Nagpumiglas naman ako para makababa sa pagkakabuhat nya pero naglakad na sya papunta sa bahay nya.



"Dylan! Ibaba mo nga ako! Ano bang ginagawa mo?!" pinipigilan ko ang sarili ko na sumigaw kasi gabing-gabi na, baka marinig pa kami ni mama.

If We Could Be (F4-inspired)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें