Chapter 3

7 1 0
                                    

Mga bandang 7:30pm dumating yung pagkain na inorder ni Doc Lily para sa celebration namin. Dito lang kami sa quarters nagcelebrate dahil shift pa nung iba sa amin. Nagdinner kami ng sabay-sabay, ininvite din ni Doc Darcy yung ibang nurse kaya andito din si Darren.

"Kain ka pa Khaly oh, hindi ka dapat nagdadiet. Oh!" sabi ni Darren habang sinusubo sakin yung pizza. Kinagat ko naman yun.

"Hindi ako nagdadiet ah."

"Hindi ba? Eh bakit parang pumayat ka yata?"

"Ewan ko sayo Darren."

"Hahaha. Joke lang, toh naman oh. Oh heto, gusto ko lang namang kumain ka ng marami eh. Hindi mo dapat ginugutom ang sarili mo."

"Oo na po, daig mo pa ang nanay ko eh."

"Huuy! Kayo jan, ang haharot nyo!" Sigaw ni Mia samin.

"Masyado ba kaming sweet? Hahaha." Sinamaan ko ng tingin si Darren. Kahit kelan talaga sya napakaisip-bata.

"Kumain nalang kayo, ang iingay nyo eh." sabi ni Doc Connor.

Matapos naming kumain eh nag-usap kami, kwentuhan ng kung anu-ano. Pero kadalasan eh si Dylan yung lagi nilang tinatanong.

"Ilang taon ka na Doc Dylan?" Tanong ni Mia.

"27."

"Single or married?"

"Single."

"May girlfriend?"

"Nope."

"Saan ka nakatira ngayon?"

"Somewhere around here."

"Sa'n ka nag-aral?"

Ganyan yung mga tanong nila kay Dylan. Yung iba naman eh tungkol sa work experience nya, tipid lang din ang bawat sagot nya. Tsaka halata mong wala syang ganang makipag-usap. Natapos yung celebration namin, unang nagpaalam yung mga nurse dahil kelangan na nilang bumalik sa stations nila.

"Khaly---una na ako ah? Ingat ka pauwi, may trabaho pa kasi ako." pagpapaalam ni Darren.

"Opo. Sige na--pumunta ka na dun." Niyakap nya ako bago sya umalis. Sira talaga yun.

"Ang tamis naman talaga ng pag-ibig! Hahaha." Kantyaw ni Mia sa akin.

"Ano ka ba Mia-- magkaibigan lang kami." sabi ko sa kanya at inayos na yung mga gamit ko para makauwi na.

"Eh ano ngayon? Jan naman nagsisimula yan eh. Tsaka ilang taon na ba kayong magkaibigan? Since birth ata? Hahaha."

"Tigilan mo ko Mia. Sige na uuwi na ako." Nagpaalam na ako sa mga kasama ko dun bago lumabas ng quarters. Nasa labas palang ako ng pinto eh naalala ko na hindi ko pala dala yung scooter ko. Kasi naman eh! Pano toh? Napatingin ako sa relo ko, it's 10:12pm. Wala nang sasakyan ngayon papunta samin, sobrang dalang na nga lang nung mga sasakyan dun eh kahit maaga pa pano pa kaya ngayon? Tch.

"Tara na." napatingin naman ako dun sa nagsalita.

"Dylan?"

"Let's go home." sabi nya at nauna nang maglakad kaya sumunod na ako sa kanya papunta sa parking lot.

Binuksan nya yung passenger seat at pinapasok ako. Umikot naman sya sa driver seat at sumakay na rin. Pinaandar nya na yung kotse at umalis na nga kami dun sa ospital.

Tahimik lang kami. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o hindi. Napakaawkward nito. Kasama ko sya sa trabaho at higit sa lahat eh ahead sya sakin. Doctor na sya samantalang ako eh intern palang. Nahihiya tuloy ako lalo sa kanya.

"Sabay na tayong pumasok sa trabaho bukas, I promised Audrey na ihahatid kita for the whole week." napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi na, kaya ko na namang magdrive ng scooter eh."

"I insist. I made a promise to my sister, I can't break it please understand. And besides, pareho naman tayo ng pupuntahan at lugar na uuwian everyday so hindi hassle sa part ko."

"Alright."

"Mabuti." Sabi nya at mukhang yun na ang end of convo namin. Hindi nalang din ako nag-attempt na magsalita dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Nilagpasan namin yung bahay nila at dumiretso sya papunta sa bahay namin.

"Dun nalang muna yung scooter mo sa bahay tutal hindi mo naman gagamitin yun for the whole week." Tinanggal ko na yung seatbelt ko at binuksan na yung pinto ng kotse para makalabas na.

"Sige, salamat." Sinarado ko na yung pinto at pinaikot nya na yung kotse pabalik sa bahay nila.

If We Could Be (F4-inspired)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon