Chapter 27

3 0 0
                                    

Andito kaming lahat sa quarters. Tumayo naman bigla si Doc Darcy at puwesto sa harap namin kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"May sasabihin sana ako sa inyo."

"Ano yun doc? Mukhang seryoso yan ah?" sabi ni Caesar. Ngumiti si Doc Darcy at biglang ipinakita ang isang kamay nya.

"I'm getting married." nakita ko namang may singsing nga doon sa daliri nya.

"May boyfriend ka pala doc?" Tanong ni Caesar kaya binatukan sya ni Mia.

"Congrats doc!" sabi ni Dylan. Napatingin naman ako kay Connor at hindi man lang sya ngumiti. Teka---hindi nya alam? Mukhang nagulat kasi sya sa sinabi ni Doc Darcy eh.

"Congrats doc!" sabi ni Mia.

"Pero may bad news din ako..." sabi ni Doc Darcy.

"Kinakabahan naman kami jan doc." sabi ni Caesar. Napangiti si doc at tumingin sakin. Tinanguan ko naman sya kasi alam ko na naman ang sasabihin nya eh.

"Magreresign na ako dito sa ospital. Nagsubmit na ako ng resignation letter kay Doc Ian kahapon, effective next week ang resignation ko."

"Doc naman eh! Bakit naman yata bigla-bigla?" sabi ni Mia at lumapit kay Doc Darcy para yakapin sya. Ganun din si Caesar kaya lumapit na din ako kay Doc at niyakap sya.


"Bakit di mo sinabi sakin?" napatigil naman kami kasi nagsalita bigla si Connor.

"Connor, gusto kong sabihin sa inyong lahat ng sabay." sabi ni Doc Darcy.

"Magkaibigan tayo di ba? Dapat sinabi mo muna sakin, wala ka na ba talagang pakealam sa mararamdaman ko?" natahimik kaming lahat. Bakit ganito kung umakto si Connor? Nilapitan ko sya at hinawakan sa braso.

"Connor, huminahon ka." Ngayon ko lang sya nakitang ganito-- nakikita ko yung galit sa mga mata nya. Hinawi nya ang kamay ko at lumabas ng quarters. Napabuntong-hininga naman ako. Ano bang problema nya?

Naalala ko na naman bigla si Darren. Ganun din yung naging reaksyon nya nung sinabi nyang nakita nya kami ni Dylan sa bahay nila. Siguro pareho sila ng nararamdaman nun ni Darren, gusto ni Darren na malaman lahat ng nangyayari sa buhay ko dahil magkaibigan kami. Ganun din siguro si Connor kay Doc Darcy, bakit naman kasi hindi sinabi ni Doc kay Connor ang napakaimportanteng bagay na yun? Akala ko ba nag-usap na sila? Aish.

***


Simula nung araw na sinabi ni Doc Darcy na magreresign na sya at magpapakasal eh hindi ko na ulit sila nakitang nag-usap ni Connor hanggang sa last day ni Doc Darcy sa ospital eh ganun pa rin si Connor. Galit nga siguro talaga sya, tinatry kong kausapin sya tungkol dun pero iniiba nya lang yung topic tsaka nagiging makulit para maiwala sa isipan ko yun.

"Connor? Hindi mo ba talaga kakausapin si Doc Darcy? Last day na nya ngayon sa trabaho." sabi ko sa kanya nung makalapit ako sa table nya. Tumayo naman sya at niyakap ako bigla.

"Connor?"

"Ganito na muna tayo, pwede ba?" hinayaan ko nalang sya sa gusto nyang gawin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya ngayon. Gusto kong malaman pero ayaw nya namang magsabi eh.

Lumipas ang mga araw na hindi na namin kasama si Doc Darcy sa ospital. Isang araw eh nagulat nalang kami ng bigla syang bumisita sa quarters kaya sobrang saya namin nina Caesar at Mia.

"Doc Darcy! Buti nakadalaw ka?" Sabi ni Caesar.


"Darcy?--- ikaw pala. Long time no see! Kumusta na?" sabi ni Doc Ian.

If We Could Be (F4-inspired)Where stories live. Discover now